ONLY HOPE
Paano kung makilala mo 'yung taong nakatakda para sa'yo? Pano kung iniwan ka niya? Pano ka babangon muli? Pano ka aasa na hindi ka na maloloko ulit? Pano mo maibibigay ang isang daang pursyento mong pagtitiwala na magmahal muli?
What are you willing to risk? Is everything worth it? Are you willing to take the chance and risk your heart to get broken a million times over and over again? The truth will always hurt hard. Hindi madaling maka-recover. Kakayanin mo ba?
Pano kung sa isang iglap, mawala lahat ng pinapangalagaan mo? Kakayanin mo bang magsimula ulit? Kakayanin mo bang magmahal ulit? Kakayanin mo bang mawalan pa ng isa pang mahalaga sa'yo?
Anong nakukuha ng tao sa pauulit-ulit na pagkabasag ng puso niya? Anung nakukuha niya sa balde baldeng luha na wala namang halaga? Bakit nga ba nagmamahal ang tao kung ang kasayahan na binibigay nito ang siya namang sisira sa buhay niya? Ano nga ba ang kapalit ng lahat ng sakit?
Pero kahit anong mangyari, gaano man kasakit, gaano man kahirap, wala tayong hindi magagawa, para hanapin ang nakatadhana sa'tin. Wala tayong daang hindi tatahakin, at kung magkamali, magsisimula muli, para matahak ang daan patungo sa ating, ONLY HOPE.
PROLOGUE
Babalikan pa kaya niya ako? ‘Yan ang tanong na kanina pa gumagambala sa isipan ko. Teka, ilang beses ko na ba na-encounter ‘yung mga ganito? ‘Yung iniwan ng guy ‘yung girl tapos binabalikan nalang after ilang years. Tapos they will live happily ever after. Masaya na lahat. Hay nako. Sana makuha ko rin ‘yung fairytale ending ko ‘no? Kahit alam ko ring medyo imposible na.
I parked my car sa may kanto malapit dun sa pupuntahan ko. Pupuntahan ko ang taong pinakamalapit sa puso ko. Umupo nalang ako dun at kinausap siya. Alam kong hindi naman siya sasagot eh. Pero alam kong nakikinig siya sa akin.
Hay nako. Ba’t ganito? Ang hirap. Ang sakit. Bakit ba kasi wala ka rito? Tapos may iniwan ka pang bagong po-problemahin. Bumalik ka na kasi dito. Para hindi ako mag-isang nahihirapan. Diba nangako tayo na walang iwanan? Tapos ikaw ganyan ka nalang. Ano ba? Hindi ka ba naaawa sa akin dito? Hirap na hirap na ako. Hirap na hirap.
Ano ba Raine. Ang drama mo na naman. Makakabuhay ka ng patay sa mga kadramahan mo eh.
Siraulo. Tigilan mo nga ako sa mga ganyang jokes. Teka nga, ba’t ka ba andito?
Nakita ko ‘yung kotse mo, natakot lang ako na may gawin kang kabaliwan. Mamaya niyan abutan kong bangkay ka nalang.
Loko ka. Mukha ba akong suicidal?
Oo.
Ano ba! Hindi ka nakakatulong eh.
Ikaw naman kasi. Bata ka pa. Napakarami pang lalaki diyan.
Alam ko. Pero tingnan mo nga ‘to.
Itinuro ko sakaniya ang alam niyang pinakakinakatakutan ko ngayong mga oras na ‘to.
Nako Raine. Tama nang paglulugmok diyan. Tara party tayo!
Cianne naman eh! Kanina ka pa!
Biro lang. Chill. Ayoko kasing nakikita kang nakasimangot na naman.
Hay. Alam ko ‘yun.
Tatayo na sana kami para umalis. Hindi na ako magpapaalam.
Paalis na kami nung naramdaman kong sumakit.
Raine!
Nawalan ako ng malay. Papa God, iligtas niyo po ang tanging natitira sa akin.
Color Codes:
