"Chapter 1:"

16 0 0
                                        

(And This is My Story: The Handsome Brat by Sha-sha)

"GLAD I've met him! Of all schools, dito pa talaga niya piniling lumipat!"

Napangiwi ako. Si Brittany ang nadatnan naman pagpasok pa lang sa classroom.

"Jaimee, ba't kaklase pa din natin siya?" bulong ko kay Jaimee.

"Ang tawag diyan minamalas"

Hindi ko talaga gusto si Brittany since day one. Ang arte kasi niya. As IN! Tsaka maingay kasi siya palibhasa sosyalera. Pero pwede din namang ayoko sa  kanya dahil insecure ako sa kanya.  Maganda kasi siya, maporma at mayaman. Hindi kagaya ko na walang arte tulad ng sa kanya.

Pero kapag nai-imagine ko naman na parang ako siya, kinikilabutan ako nang ewan ko ba.

"Hey, you two!" tawag niya sa amin at pato ang mga nakapaligid sa kanya ay napatingin din.

Nagkatinginan pa kami ni Jaimee.

"Did you see Andre outside?"

"Sino?" sabay pa talaga kami ni Jaimee.

"They don't know who Andre is??!"

O .0. O

Kung maka-react naman 'tong mga to? Eh sino ba kasi ang Andre ek-ek na yan? Paki naman namin sa mga estudyante dito?? ~__~

"Andre Atkins! As in Seph Andre Atkins! 'Yong transferee dito na endorser ng Pop Shoppe!"

"Ahhh...."

"...sorry di talaga namin kilala"

 Akalain mo na-shock talaga sila?

"Huling-huli talaga kayo sa latest, gosh! San planeta ba kasi kayo galing?"

"We'll sorry, ha. Paki naman namin sa mga bagay na walang pakinabang sa 'min.. " sabi kong mahina.

 "May sinasabi ka?" tanong ni Brittany.

"Oo. Ang sabi ko, sa pangalan pa lang mukhang may itsura nga ang Andre na yan."

Kadiri naman nung sinabi ko.

"Ang gorgeous kaya niya, 'no."

Siyempre pa agree ang mga alipores niya. Egh,no wonder nagclick sila.

"Na-curious naman ako bigla sa Andre na pinag-uusapan nila." sabi ni Jaimee nang makaupo na kami.

"Weh??"

"Baka gwapo nga. Model/endorser daw ng Pop Shoppe,eh."

"Buti sana kung namimigay ng pera edi may pakinabang na pag-usapan natin siya."

"Ikaw talaga. may dugo ka rin ng pagka-opurtunista,eh,no?"

"'Chuse me, tawag do'n practical."

"Whatever." -___-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 19, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"And this is my story: The Handsome Brat"Where stories live. Discover now