Alam ko marami akong kulang and I realized it late. Na realize ko na lang lahat nung nawala ka na sa akin. This past few days with you made me think over and over again na I want you back... I hope you feel the same.

Actually I do but I guess not now.

Tumayo na ako nun at pinagpag yung sand sa pants ko at nakatingin lang siya sa akin nun. Inabutan ko siya ng kamay and she took it. Naka tayo na siya ngayon at magkaharap kami.

Of course I still love you D, but I don't want the same thing happen. We'll keep the relationship and what next? Magaaway nanaman tayo. Persue your dreams first. Maybe after highschool we will meet up and you'll still be in my heart.

Nagstart na ako maglakad nun pero siya, naka tayo parin at di gumagalaw. Medyo malayo-layo na ako nun bago pa man siya nagsalita ulit.

But what if by that time hindi na ako ang nasa puso mo? 

I stopped from walking pero I didn't faced her. Next thing I knew naka yakap na siya from my back. 

I love you Zen. I can't afford to lose you.

Hinawakan ko ang kamay ni Diane pero ginawa ko dahil kailangan kong alisin yung pagkaka yakap niya. Actually, naguguluhan ako. Mahal ko parin siya pero ayaw ko na maulit yung dati. Kung mahal niya talaga ako ipaglalaban niya sa lahat ng tao dba?

Umalis ako sa beach ng may dala-dalang tanong sa utak ko. Ano nga ba ang dapat kong gawin at paano gagawin?

Mga 1:30pm kami umalis ng province at almost lahat sa trip tulog. Kahit inaantok ako I can't sleep. Kinuha ko na lang yung phone ko at may signal na nga. Ang daming messages. Mga over 18 messeges din yun. Puro galing kay Karl, Zara at sa iba pang friends. Ang last ko binasa eh from Karl.

From: Karl

Pare! Musta ang buhay probinsya? Kayo ni Diane?

Nasabi ko narin pala kay Karl na kami ni Diane at yung nangyari between sa amin. Di naman siya nagalit actually sabi pa niya swerte ko raw kasi nakuha ko yung babaeng gusto ko pero kung alam lang niya ang difficulties na magkaiba kayo ng ugali ng mahal mo.

Sasagutin ko na sana yung message ni Karl pero may isang message pang dumating. Pagtingin ko kala ko galing parin kay Karl yun pala kay.... Jara.

From: Jara

Huy pangit! Five days na ako di kumakain ng somai ): Dalhan mo ko ha! Hehe.

Natawa ako sa message niya. Ewan ko pero parang nafeel ko na lang na namimiss ko yung afternoon Chinese food trip namin. Dati rati almost everyday yan at ngayon na lang ulit wala. Kamusta na kaya yun?

Send to: Jara

Huy taba! Pauwi na ako. Libre mo naman ngayon.

Ganyan kami magtawagan. Inaasar niya akong pangit at sa kanya naman eh taba. Pero we both know it's only a joke. Actually mas okay talaga siyang kasama compared to Diane. Si Diane kasi yung taong concern sa diet kaya di kumakain ng ganito o ganun. Medyo maarte kaya ayaw dito ayaw dun at lalong lalo na busy. Kaya di pwede ngayon o kaya bukas. Kaya madalan kami magkasama. Buti na lang talaga eh classmates kami sa almost lahat ng subject.

From: Jara

Tumahimik ka nga! Ikaw magbayad, ikaw lalaki.

Mas napatawa tuloy ako sa sinabi niya. Don't get me wrong, pero si Diane parin talaga ang mahal ko kaya lang napapa compare ako minsan. Haaay ewan!

Mga 4:30pm na kami dumating ng school at medyo marami-rami pa ang tao. Dun kami sa main  gate dumating at napa ngiti ako sa nakita ko. Sila Karl, Jamir, Mitch, Chloe at Jara nasa may playground. Malapit kasi ang playground sa main gate.

Tumakbo naman agad sila papunta sa amin ni Diane. Usual shake hands, beso at bati. Huli dumating sila Jamir at Jara dahil naglakad lang sila compared kila Mitch na tumakbo.

So, how was the trip?

Is the beach good?

So, ano na? Kayo na ulit?

Napatingin naman kaming lahat kay Karl. Oo, alam rin nila Mitch, Chloe at Jamir. Dahil nga kami yung parating magkakasama sinabi na lang namin sa kanila para naman walang ma left out sa grupo. At first shocked sila pero na absorb naman agad.

Medyo matagal din kami naging quiet pero may nag broke the silence.

Why not lets hang out together.

Lahat napatingin sa kanilang dalawa, kahit ako.

Nawala lang kami ng 5 days sabay na agad kayo magsalita? Is this love or what?

Nakita ko namang nagblush si Jara kaya tumingin na lang siya sa kabilang side. Nakakaintindi naman si Jamir ng tagalog kaya di kami ilang magtagalog sa harap niya pero si Jara even na alam niya yung fact na yun, she still speaks English towards Jamir. Di ko alam kung special treatment or ganun lang talaga siya.

As agreed, kakain na lang raw sa labas para naman makapag hang out uli. Naglakad na sila lahat palabas ng school pero bumalik si Jara to get her things. Dahil ako na lang yung di pa naka labas, ako na yung naghintay sa kanya.

Pagbalik niya dun sa kinatatayuan ko, tiningnan niya ako. Take note: head to toe pa ha! After naman niya ako tingnan ng mga dalawang beses siguro nagsmile naman siya sa akin ng nakaka loko. Tiningnan ko lang siya na hindi kita maintindihan look.

Laking America ka parin! Di ka bagay sa probinsya!

Kala mo ha!

Pininch ko nanaman yung nose niya at bigla na lang akong tumakbo palabas. Humabol naman siya nun at nagstop na lang kaming bigla dahil nasa harapan na namin sila Karl. Tumigil din kami sa kakatawa at baka magtanong pa yung mga yun at gumawa nanaman ng issue.

Hindi ko alam kung ito rin ba yung same feeling nung naging close kami ni Diane pero I hope not... Kasi kung meron man towards Jara....

it's confusing me.

ZENSITIZED (c)vainballerinaWhere stories live. Discover now