Chapter 18: Observe the Pro

Magsimula sa umpisa
                                    

There is a countdown bago mag-start ang match at pumuwesto na ang mga players sa kani-kanilang taguan. Since kay Nemesis na point-of-view ang napanonood namin. Mag-isa lang si Nemesis na nagtatago sa sanga ng isang mataas na puno.

"If Axel can execute this battle strat, may laban tayo this summer cup." Nakahalukipkip si Coach Robert malapit sa TV. Tutok na tutok siya sa ginagawa ng mga players ng Battle Cry ngayon.

Wow, so ganito pala lagi ang sitwasyon sa mga professional team? Ang laking pressure kahit simpleng match lang. Bawat match ay binabantayan, bawat galaw ay nakaplano.

The battle started at nagsimula nang kumilos ang mga players sa area.

"Bakit siya solo?" Tanong ko kay Dion. I mean, in this kind of battle. Mas maganda kung malapit ka sa mga kasama mo para mabilis ang response.

Parang sa exam lang, madali kang makakakopya kapag malapit ang mga kaibigan mo. (Disclaimer: Sina Shannah ang nangongopya sa akin)

"He changed class yesterday dahil level 20 na siya. He is Dark Assassin. Makikita mo kung bakit siya solo." Tumutok ako sa TV para manood.

Dalawang matulis na metal claws ang gamit na sandata ni Nemesis at bumaba na siya sa sangang tinutuntungan niya. He used the skill called Invisible State na kung saan hindi mararamdaman ng kalaban ang prisensiya niya. Mabilis siyang tumatakbo sa paligid.

Habang tumatakbo siya ay nababasa ko ang chat niya sa mga kasamahan niya.

Nemesis: Tatlong kalaban sa likod ng isang surang poste, dalawang magician at isang archer

Nemesis: Nag-skill na 'yong isang mage na nasa taas ng tower... Sa tingin ko ay 45 seconds ang cooldown nito... Pakiuna siya.

Nemesis: I saw a swordsman na bawas sa likod ng isang puno. Ako na bahala rito. Group B, magdala kayo ng potion sa Group A since paubos na ang potion nilang dala.

Wow. Hindi ko maiwasan na kilabutan sa taglay na galing ni Axel. Pinatunayan niya sa akin kung bakit siya ang Captain ng Battle Cry. Ang bilis niyang umiikot sa map at nire-report sa mga ka-team niya lahat nang nakikita niya.

"Anong ginagawa ni Nemesis?" Bulong ko kay Dion ulit. He looked at me and nag-peace sign ako. "Sorry, ang dami kong tanong."

"Shotcall." He said. Imbes na mainis sa akin si Dion dahil ang daldal ko ay binaling niya ang tingin niya sa akin.

"Sa team namin ay may tinatawag kaming shotcaller. Sila ang taga-report sa buong team ng kung ano ang nangyayari sa buong mapa. Kailangan mataas ang map awareness ng shotcaller at kabisado niya dapat ang cooldown ng bawat skill ng mga class kasi sa kanya nakasalalay ang gagawing atake ng team," mahabang paliwanag ni Dion sa akin.

Bumaling ang tingin sa amin ni Gavin. "Dahil Dark Assassin din ang class ni Nemesis. Kaya niyang pumatay kahit mag-isa siya ng mga mahihinang members ng kalaban. Hindi niya rin main objective ang pumatay. The purpose of our shotcaller ay para lang i-inform ang buong team sa nangyayari. Papatay lang ang shotcaller kapag sigurado siya na kaya niyang mapatay ang kalaban. Once kasi na ma-eliminate ang shotcaller ay mahihirapan na ang buong team."

Hindi maipagkakaila na kahit nalalaglag sa tournament ang Battle Cry agad ay isa pa rin sila sa pinakamalalakas na squad sa Hunter Online. Those players in the team ay may purpose.

Naputol ang panonood namin noong may nag-doorbell sa pinto. Kinuha ni Dion amg cellphone niyang nakapatong sa lamesa. "Gavin, nandiyan na raw 'yong in-order kong pizza, pakuha naman." Utos niya.

"Tangina, nanonood ako." Hindi maalis ni Gavin ang tingin niya sa TV.

Inabutan ni Dion ng pera si Gavin. "Ayan keep the change, kuhanin mo lang 'yong Pizza." He commanded.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon