"Alam mo Ken, I will end this call na. Mag rereply na lang ako sa email mo——-" he ended the call!!! Ni hindi pa nga ako tapos magsalita! Aba! Kita mo yung ugali nun!

















Nakapagluto na ako ng dinner at medyo okay na din yung pakiramdam ko. Siguro sakto na yung pahinga ko para makapasok na ulit bukas. Patapos na din ako sa presentation na ginagawa ko para kay Rebecca. Habang nag-iisip ako ng susunod kong gagawin ay naalala kong kailangan ko pa palang pumunta ng grocery store ngayon dahil paubos na yung gatas ni Oslo. Nasa kabilang bahay si Oslo at hiniram muna nila Lola kaya pwede akong lumabas ngayon para bumili ng gatas. Kinuha ko ang wallet at phone ko tsaka ako lumabas ng bahay. Sakto namang paglabas ko ay kakarating lang ng kotse ni Ken. Ang aga naman yata nitong umuwi. Himala yatang walang ibang dinaanan.










Huminto ako sa paglalakad at nakatingin lang ako sa pinto ng kotse nito. Inaabangan ko na baka may bitbit na naman itong babae. Pero bumaba ito ng kotse ng mag-isa so wala nga.










"Oh, naka sick leave yan?" pang iinis na tanong nito sa akin bago siya pumasok ng bahay.






"Bibili lang ako ng gatas ni Oslo. Kung gusto mo ng kumain, nakaluto na din ako."  hindi ito sumagot at dumiretso lang sa pagpasok sa bahay. Minabuti ko ng umalis para hindi ako abutan ng rush hour sa daan.



















Ken's POV




Nakatingin lang ako sa orasan at hinihintay na umuwi si Rita. Wala pa namang 20 minutes ng umalis ito pero aantayin ko na lang ito para sabay na kaming mag dinner. Napatingin ako sa pinto ng makarinig ako ng pag doorbell kaya lumabas ako para i-check ang gate.











"Yes? Sinong kailangan niyo?" tanong ko sa dalawang pulis na bumungad sa akin.








"Dito po ba nakatira si Miss Rita Daniela?" tanog ng pulis sa akin..






"Bakit niyo siya hinahanap?" ano ba, may nagawa na naman bang kasalanan yung babaeng iyon? Tsss. Lapitin talaga sa gulo.










"Actually, nandito kami to inform her na nahuli na namin yung driver ng riding in tandem na muntik ng makakuha ng bag niya kagabi.."










What?









"Ano? Riding in tandem? Kagabi? Ano bang nangyari kagabi?"








"She was invloved sa isang incident kagabi. Muntik ng makuha ang bag nito ng dalawang lalaking sakay ng motor. Naglalakad si Miss Rita sa madilim na kalsada ng Jupiter Street noon. Nanlaban pa si Miss Rita sa dalawang lalaki at mabuti na lang ay may mga tanod na nagpapatrol ng mga oras na iyon. Tumakbo ang dalawang lalaking at naiwan ang motor. Ang motor ang naging evidence namin at ang kuha ng CCTV para mahuli yung dalawa. Ayaw na mag sampa ng kaso ni Rita sa dalawa pero ng mahuli namin ang mga ito ay may iba pa palang naging biktima ang mga ito . Kaya gusto sana namin ulit tanungin si Miss Rita if magsasampa pa ito ng kaso para mas lalong bumigat ang kaso ng mga iyon.."








"Wa-wala kasi siya dito sa bahay. Pero ayaw ng ma involved pa ni Rita sa kaso ng dalawang iyan. I think buo na yung decision niya."











"Okay Sir. Thank you for the time, mauna na po kami.."















Pagsarado ko ng pinto ay nagtataka parin ako kung bakit hindi ito sinabi ni Rita sa akin kagabi. Mas lalo namang bumigat yung konsensya ko dahil sa hindi ko ito sinabay sa kotse.




















My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now