ii

2.2K 138 57
                                    

Maayos ang naging takbo ng mga sumunod na araw ni Anya. In fact, napatunayan niya na efficient ang ginawa niyang schedule this semester. On time siyang nakarating sa mga klase kahit magkakalayo ang buildings, mabilis na nakasakay sa mga jeep, at hindi na siya nanakawan ng dalawang pisong sukli.

Siguro tinamaan lang talaga siya ng malas noong Martes ng umaga.

As for the freshie na dumekwat ng two pesos niya? She'd forgiven him already. Inintindi na lang ni Anya na baka nangangailangan ang lalaking 'yon that time. Isa ito sa mga dahilan kung bakit tumakbo siya sa student council sa Arki—bukod sa hangaring maging boses ng mga kapwa estudyante, gusto niyang makatulong sa nangangailangan. Ang hirap nga naman pagkasyahin ang kakarampot na baon sa dami ng gastusin ngayong nagsisimula pa lang ang semestre. Actually, na-guilty pa nga siya na pinag-isipan niya nang masama ang freshie noong isang araw. Dala lang ng stress at pressure ng pagiging late sa klase kaya napag-isipan niya ng masama ang freshie. Dos pesos lang naman 'yon, maliit na bagay sa kanya pero malaking tulong na sa iba. Ayan na ang good deed niya for this week.

Thursdays ang pinakamaluwag na araw ni Anya ngayong sem. Syempre knowing her, subjective ang definition ng "maluwag". Para kasi sa kanya, maluwag na ang schedule niya kapag mayroon siyang isa't kalahating oras na lunchbreak sa kanyang 7am to 7pm classes every day. Tuwing Thursday lang siya mayroong matinong lunchbreak, na sinundan ng last class niya for the day: ang KAS 1 or Philippine History.

Since mabilis siyang natapos kumain at gumawa ng ilang exers during lunch, maaga siyang pumunta sa designated classroom ng KAS 1. Walang tao sa room kaya doon niya itinuloy ang paggawa ng exer habang nakikinig siya ng podcasts. Ganito talaga siya bilang estudyante: she tries to do school-related stuff habang nasa campus pa siya para magpapahinga na lang siya pag-uwi. (Na bihira lang mangyari since nag-a-advance study siya bago matulog.) Madalas siyang makikita sa org tambayan o sa Main Lib, seryosong sinasagutan ang mga exer, prob sets, at tinatapos ang reaction papers during her break times.

Sa sobrang seryoso niya sa pag-aaral at other org-related stuff, lagi siyang binibiro ng orgmates niya ng "Ans paano ka magkaka-boyfriend niyan kung lagi kang nag-aaral!? Pwede mo bang isingit dyan sa daily o weekly schedule ang pag-landi?" Dinadaan na lang ni Anya sa tawa ang sagot niya, with pahabol ng, "Hindi ako pumasa ng UPCAT para lumandi."

Wala namang bahid ng kasinungalingan sa sagot niya because that's her goal in life: ang makatapos on time (or kahit a sem early pa nga kung kakayanin), makapasa sa boards, at magkaroon ng maayos at stable na trabaho in the near future. Wala siyang oras para sa boyfriend-boyfriend na 'yan. Kung may darating, eh 'di okay good. Hindi naman siya aggressively na naghahanap. Hindi (pa) siya jowang-jowa.

Her thoughts were rudely interrupted when she heard a loud sound of metal scraping the tiled floor a few meters away from her. Someone from the first row carelessly sat on a chair at wala atang pake na masira niya ang tiles ng classroom. In-ignore na lang ni Anya 'yon at binaling ang atensyon sa ibang upuan sa classroom. She was so engrossed in her exer that she didn't notice na marami-rami na sila sa loob. Chineck niya ang oras; 8 minutes na lang bago mag-start ang klase.

Nice, isip-isip niya habang binubura ang maling solution na naisulat niya kanina. Baka matapos 'tong class ng mga 2:30. Pwede pa ako dumaan sa tambayan mamaya bago umuwi.

Maya-maya pa ay niligpit na rin niya ang exers at nilabas ang B5 binder niya for her notes. Nakangiti pa siya habang sinusulat ang KAS 1 sa binder tab using her camel yellow pen (ang kulay na natitira in her color-coding scheme for this semester) at nilagyan pa ng kaunting doodle para cute. But her smile slowly faded away when her eye caught something not far from her.

A very familiar looking na maroon gym bag na nasa lapag.

At first hindi na niya dapat papansinin 'yon. Napaka-common ng gym bag na 'yon sa campus, especially sa student-athletes. Pwedeng mabili 'yon sa SC o siguro mayroon ding org na nagbebenta sa Facebook. Anyone could have it, really, so Anya shouldn't have any reason to be alarmed.

palagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon