BUT.

The mere sight of the bag ticked something in Anya. Oo, napatawad na niya ang freshie na kumuha ng sukli niya the other day. Tapos na siya doon. Pero may kung anong parte sa utak niya na gustong makita ang mukha ng lalaking 'yon. Hindi rin niya gets kung bakit. Gusto lang niyang magkaroon ng mukha ang lalaking 'yon sa utak niya.

Isang matangkad na lalaki na naka-yellow shirt at jeans ang may-ari ng nasabing gym bag. Nakayuko ang lalaki, tila may binabasa sa phone niya, kaya hindi maaninagan ni Anya ang mukha nito. She just stared at the guy, waiting for him to look up or whatever. Matatahimik lang ang kaluluwa niya sa isang silip sa itsura ng lalaking ito.

What are the odds na kaklase pala niya ang freshie na 'to ngayon sa KAS1? Sobrang random nito, nakakakilabot. Gusto niyang matawa sa sitwasyon na 'to. Ano namang gagawin niya after niyang makita ang mukha nito? Sisingilin ba niya 'yung two pesos? Kakamustahin? Ano ba talagang gusto niyang makuha rito?

Tila pinaglalaruan si Anya ng tadhana. Bigla na lang lumingon ang lalaki sa direksyon niya bago pa siya makaiwas ng tingin. Nagtama ang mga mata nila, at kitang-kita ni Anya ang takot at gulat sa mga mata ng lalaki.

They couldn't look away.

Anya couldn't look away.

Was it because of the initial shock or what? She didn't know. Basta sa mga segundong nagkatitigan sila, napuno ang utak niya ng pagtataka.

Hindi naman mukhang masamang tao ang freshie na 'to ah. Ba't siya takot sa 'kin?

Akmang tatayo na siya para kausapin ang lalaki nang biglang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang kanilang professor. Umiwas na rin ng tingin ang lalaki sa kanya.

Okay, kakausapin ko na lang siya after class.

Hindi makapag-focus si Anya sa introduction ni Professor Tamayo sa klase nila. Bothered pa rin siya sa reaction ng lalaki kanina. Did she glare at him? If yes, hindi naman intentional 'yon. Naka-contacts kasi siya today at medyo nangangati na ang mga mata niya. Baka akala ng lalaki na pinapatay na siya ni Anya sa tingin kanina. Dagdag pa tuloy ito sa isipin niya!

"Ah, before we end today's class, ayusin muna natin ang seating arrangement natin ngayong semestre," sabi ni Sir Tamayo habang binabasa ang class list niya. "Alphabetical ordrer ang seating arrangement natin para madali ang pagchi-check ng attendance. Okay ba tayo doon?"

The class mumbled in agreement. Pinapunta sila ni Sir Tamayo sa bandang likuran ng classroom to free up the seats first before starting the roll call. Napansin ni Anya na sa kabilang dulo talaga ng room pumwesto si Freshie. Sinasadya talagang lumayo sa kanya. Weird.

"Aba, star-studded pala ang klase ko this sem!" Sir Tamayo was smiling to himself as he scanned the class list again. "Start na tayo, okay? Abarquez, Leandro. Ang promising recruit ng Maroons this season!"

Kulang na lang ay mapasigaw si Anya sa gulat nang makita niyang naglalakad papunta sa unahan ng classroom ang freshie na tumangay ng sukli niya sa jeep.

Anya couldn't believe it. So siya 'yung pinag-uusapan ng orgmates niya last time sa tambayan? 'Yung rookie na pinag-agawan ng UST at UP but chose the latter dahil nakapasa siya sa Creative Writing program ng unibersidad? Anya has heard about him, alright. Nagtaka pa nga siya noong nalaman niyang hindi Sports Science major ang bagong recruit ng Maroons, eh. Pwede pala 'yon, isip-isip niya noon. May chance na makapasok ang younger brother niyang si Cyrus sa varsity kahit anong course pa ang piliin nito in the future.

But back to this freshie Leandro. Really!? Binibiro ba talaga siya ng tadhana? Who would've thought?

She just stared at the back of Leandro Abarquez's head as Sir Tamayo went on with his roll call. Medyo nage-gets na niya ang reaksyon ng freshie kanina. Nakakahiya nga naman pag nakarating sa team or sa coaching staff ng Maroons ang ginawa niyang pagkuha ng sukli ng kapwa estudyante. Hindi naman siya isusumbong ni Anya, eh. Understanding siyang tao lalo na sa mga nangangailangan. She would never–

"Casabueno, Anne Ysabel. Arki Rep ng Arki Student Council sa USC," tila proud na announcement ni Sir Tamayo sa pangalan niya. Nahiya tuloy siya nang slight. "It's so nice to have you in my class, Ms. Casabueno."

Isang matipid na ngiti lang ang sinagot niya kay Sir Tamayo at dali-dali siyang umupo sa pwesto niya sa first row. Doon lang niya napansin na four seats away lang sa kanya si Leandro, na titig na titig sa puno sa labas ng classroom nila. Napaka-weirdo naman ng lalaking 'to.

"Cortez, Andreau Francis," sabi ni Sir Tamayo with this very distinct awe na kinagulat ni Anya. Napalingon tuloy si Anya dahil familiar ang pangalang 'yon. She then saw a tall guy walking towards her direction, with that steady, familiar smi—

Oh. Right. He's that Andreau Cortez. 'Yung teen heartthrob na bida sa teleserye na kinababaliwan ng kapatid niyang si Rei. Naging topic of discussion din nila sa tambayan last time ang pag-e-enroll ng kilalang artista sa UP Film. May ilang orgmates pa nga siyang nagpustahan kung magtatagal ba si Andreau Cortez sa pag-aaral dito o magiging katulad din siya ng ilang artista na magda-dropout din after a sem or two.

Andreau Cortez sat on the chair next to her, and the first thing she noticed was...shit, ang bango niya. Amoy bagong ligo, gano'n. He caught her staring, at imbis na mainis, nginitian pa siya nito. No wonder patay na patay ang mga babae sa artistang 'to, ang gwapo pala talaga in person.

May ilang pangalan pang binanggit si Sir Tamayo na may side comments pa siya, like si Roldan del Rosario na orgmate raw ng nanay niya years back, si Bren Davis Gamboa na apo ng late Professor Emeritus ng College of Engineering, at marami pang iba. The side comments were unnecessary, but at the same time, nagsilbi itong mini Getting To Know You activity pero ang catch, sa prof nanggaling ang details. Kung paano nalaman ni Sir Tamayo ang ilang detalye sa buhay ng mga kaklase niya, she didn't want to know. Aware naman siya na mabilis kumalat ang chismis sa campus.

After matapos ng seating arrangement, dinismiss din agad ni Sir Tamayo ang klase. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Anya. Hinarang niya kaagad si Leandro Abarquez sa pwesto nito sa may bintana bago pa ito makalusot ulit sa kanya.

"Uhm hi—"

"Ate sorry po talaga!" Leandro suddenly exclaimed, raising both of his hands in surrender. Napa-atras tuloy si Anya sa gulat. "Hindi ko po talaga sinasadya! Wala raw panukli si Manong sa 100 tapos six pesos lang barya ko no'n! Di ko na po nasabi sa 'yo kasi male-late na ako sa klase ko. Ibabalik ko naman po talaga eh! Sorry po talaga please wag niyo po ako isumbong kay Coach! Please po!"

Speechless si Anya. Una sa lahat, ATE TALAGA!? Kung makatawag naman ng ate 'tong Leandro Abarquez na 'to akala mo malaki ang agwat ng edad nila! Masyado namang polite ito kung makagamit ng "po"! Pangalawa, ano raw?!

"H-hindi kita isusumbong," lang ang lumabas sa bibig niya out of confusion. Napalitan ng pagtataka ang kaba sa mukha ni Leandro dahil sa sinabi niya. "Uh...okay lang 'yon, two pesos lang naman eh. I understand," paglilinaw niya. "I won't tell. I promise."

She was expecting him to be relieved somehow, kaso wala pa ring pinagbago sa composure ng lalaki. Tensed pa rin ito at nagbubutil-butil na ang pawis sa noo. "Balik ko na lang po 'yung dos!" sabi niya.

"Wag na. Okay lang talaga," she insisted. The last thing she wanted was to witness this guy breakdown in front of her so Anya chose her next words carefully. "Walang kaso sa 'kin 'yon, Leandro. You don't have to give me back the two pesos. It's really fine with me."

"T-talaga po?"

Tila na-whiplash si Anya sa sudden softness ng lalaking 'to, para bang nati-trip na or something. She has this inkling na may tinatagong kulo ang bait-baitan nito. Bihira lang magkamali si Anya sa ganitong nararamdaman niya. But still, she gave him the benefit of the doubt.

"Oo nga. No need," she insisted for the last time, at ginamitan pa niya ito ng intimidating smile niya.

It took Leandro a few seconds before he let out a deep sigh and stood up from his seat. Anya noted na abot siya sa balikat ng lalaki, not that it really mattered or whatever. "Thanks po talaga, ate! Hindi na po mauulit! Promise po 'yan!"

Ni hindi man lang niya nasabihan ang lalaki na 'wag siyang tawaging ate bago ito makalabas ng classroom. Sa next meeting na lang siguro.

palagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon