Nang dahil sa isang aksidente, kailangan kong magpanggap na syota ng lalaking akala ko ordinaryong tao lang. MALING AKALA. Ang lalaking inakala kong tambay, walang vision sa buhay, basagulero, masungit ay sya palang anak ng school na pinapasukan ko?! Kaya ayun ang loko, sinamantala na kesho girlfriend nya raw ako and whatsoever. Akala ko, panandalian lang yun pala, pinatagal pa! Paano ako makakatanggi eh hindi naman ako mayaman na agad-agad makakalipat ng school kung sakaling paalisin nya dun?! Matitiis ko paba?! o Suko na?! Dito iikot at magkaka-gulo ang buhay ko being the girlfriend ng lalaking Napakayaman, gwapo, at Masungit. Dinaig ang may Pms. Correction. Fake Gf lang pala. Yes. He is just My Emergency Boyfriend.