Chapter 4

30 0 0
                                    

Yumee's POV

Nandito ko ngayon sa 4th year Building. Pinuntahan ko si Luke. Bait no? Hmp. Whatever.

"Magso-sorry o hindi? Magso-sorry o hindi? Magso-sorry o hindi?" Pumitas naman ako ng bulaklak at ginawa kong basehan yung mga petal nun kung magso-sorry ba ako or what! Well, nagmamakaawa na rin ang atmosphere sakin kaya MAG-SORRY na daw ako sabi nung last petal. Good Luck na lang sakin. Sana lang talaga magawa ko. Aja! Fighting!

Naglalakad na 'ko ngayon sa room 4-A kung nasaan ang room ni Luke. Uwian ko nalang sya pinuntahan kasi magku-kulangan lang din ako ng oras kung recess time namin ko sya pupuntahan.Tapos may inasikaso pa 'ko.  Inhale.....Exhale.....HA! Nandito na 'ko sa pinto ng room nila.

Teka?! Naramdaman ko kasi na parang wala namang tao dun? Sabagay uwian na rin kasi kanina. Panigurado nagsi-uwian na ang mga 'to. Ba't ba di ko na isip yun?! Wala na siguradong tao dun kaya, no choice, aalis na 'ko. Haist. Friday ngayon eh. Pano ko sya kakausapin eh naka-sched ako kasi aalis kami bukas. Argh! Kainis. Ano na bang gagawin ko!

"Bahala na nga?! Uuwi na 'ko! Lecheng buhay na 'to oh" sigaw ko. Tss. Sinamantala ko na magsi-sigaw kasi wala rin namang tao dito kaya TAKE THE CHANCE, PANLABAS GALIT! WHO CARES! Wala namang makakakita at kung may makarinig man siguro yung mga insekto at mga anay lang dyan sa tabi-tabi! HALER!! Arghhhhh!

"Ba't mo ba ko pinapahirapan Luke ha?!" sigaw parin ako ng sigaw.

"Wala naman akong gusto sayo pero ba't sinasanay mo ko na lagi kang nakikita?! Ayoko na eh. Nahihirapan na 'ko. Sa tuwing naaalala ko yung nakaraan mo, nako-konsensya ako. Mas lalo kong pinagtutulakan yung sarili ko na pakisamahan ka." naiinis na 'ko.

" Kahit alam mong pag-papanggap lang 'to, pinapa-mukha mo sa 'kin na dapat di ako lumayo. Pero ba't ganon?! Hindi pwedeng 'tong nararamdaman ko sayo. Hindi ako bagay sayo. Wala kang gusto sakin kaya DAPAT TUMIGIL NA KO." napaluhod na 'ko. Naiyak na ko. Tama nga kayo. Nagkakagusto na ko sa kanya.

1 year na kong nagpapanggap na Gf nya. At yun nga, na-develop na ang tangang katulad ko sa kanya. Hindi pwede. Kung lalayo na ko ngayon. Mapipigilan ko naman siguro 'to diba?

"Nahihirapan ka na ba talaga? Tama ba ako?" Pagtingin ko sa likod. Si Luke pala O.O Pakshet >_<. Narinig nya yung mga pinagsasabi ko? Aaaaahhhhh! Tangaaaaa!

"L-l-l-uke O.O" gulat kong tanong. Hindi ko inaakala na nasa likod ko pala sya. Nadala na kasi ako ng emosyon ko eh. Pinunasan ko naman yung mga luha ko tas tumayo.

"Siguro nga. Nahihirapan ka na. Puro nalang yata ka-gaguhan ang inaasal ko sayo. Hoy Engot! Bawal ma-inlove diba?! Ba't mo sinasabi yan. Pigilan mo yan. Kasi........ masasaktan ka lang.! Itigil na natin 'to. Wag ka ngang umiyak. Ayoko nang ini-iyakan ako. Kalimutan mo na yung nangyare." Lumapit naman sya.

"Kasi kahit kailan.....hindi ako....ang tamang lalake na nararapat sayo at mamahalin ka ng buong-buo. Malaya ka na. Tayu-tayo lang naman ng mga kaibigan ko at kaibigan mo ang naka-kaalam nito diba?! So wala nang problema. Kakalimutan ko na yun. Kalimutan mo na kasi kahit kailan..... di ako magkaka-gusto sayo di gaya ng nararamdaman mo." umalis na sya pagkatapos nya sabihin yun.

Sabi na Yumee eh. Aasa ka lang na mamahalin ka rin niya. Tama na! Tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hindi ako para sa kanya. Hinding-hindi mangyayari yun. Kahit kailan....

"Gayunpaman, Sorry Luke. Tama ka. Kalilimutan nalang natin yung nangyari. Isang masamang bangungot na hindi na dapat balikan..." bulong ko habang pinagma-masdan si Luke na papa-alis. Simula ngayon, gigising na 'ko sa katotohanan. Tapos na. Natigil na kaya kalimutan na. Inayos 'ko na ang sarili ko at umalis na. Gumagabi na eh. Haist.

Mahirap umasa kasi hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa kanya. Hindi mo alam kung saan ka dapat lumugar. Hirap magdesisyon, kasi minsan akala mo matutunan ka nya rin naman mahalin pero ang totoo, pagpapanggap lang yun na kahit kailan hinding-hindi magkakatotoo.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Emergency BoyfriendWhere stories live. Discover now