Chapter 1

77 0 0
                                    

Yumee's POV

"Haist. Nakakainis sila. Pag-pinagsawaan, agad na lang mang-iiwan. For what pa yung panliligaw at effort effort nilang nalalaman mananakit rin naman sa huli?! Dapat di na sila nanliligaw pa ganern. Awtsuuu! Paasa!"nakakabaliw na talaga. Kasalukuyan nag-iiyak dito sa bahay namin si Cyrine. Nahuli nya daw ang magaling nyang boyfriend na may kalampungan. Mabuti na yun, nang iwan nya na yung lokong yun dahil hindi sila bagay or should I say , NOT MEANT TO BE talaga sila! Manloloko yung lalakeng yun eh. Tss.

"Fine. Makikipaghiwalay nako. Huhuhuhuhu." Good Girl. Hindi naman ako masamang kaibigan, ayaw ko lang talaga na may umiiyak nang dahil sa niloko sila. Sana lang talaga, ipanganak sa mundo yung mga taong STICK-TO-ONE lang talaga. Uso mga bolerong manloloko ngayon eh.

YooHoo! Ako nga pala si Yurina Maydelle Castro. Others called me Yumee, 18 yrs. old and 3rd year College na ko. Hindi ako yung tipo ng babaeng kinda Rich Kid. Simple lang ang pamumuhay ko. Si Papa ay nasa abroad at si Mama naman may magandang tungkulin naman sa trabaho. Manager sya ng isa sa mga sikat na Restaurant dito sa amin. Kaya tama lang na nakapag-aral ako dun sa school na mayayaman, magaganda, sosyalero ang mga estudyante. 3 yrs. Na rin ako nandoon kaya kilala na ko ng mga mag-aaral dun.Sabi nila Masungit slash Mabait daw ako! Ang gulo no?! Magulo talaga ^_^ Mabait naman ako KUNG MABAIT KA!! Kung hindi ka mabait, GET LOST! Tsupii. Hahaha :) Itong crying lady na kasama ko?! Sya pala si Cyrine Ninette Lee. Bestfriend kong malaki ang bunganga. Hindi yung malaki talaga na as in malaki ang bunganga ha? Matakaw kasi sya kaya kung anu-ano ang nakakain, sinagot yung Benj Lucero na yun. Gwapo nga, mas bulok naman sa basura ang ugali. Like duh.

"Tama na. Ikaw naman kasi eh. Hilig mong magpaloko. Joke lang :)" nilapitan ko na sya at niyakap. Mamaya sabihin nito parang hindi ko man lang sya mahal. Kaya ayan, cinomfort ko na sya. Awang-awa na ko sa itsura nya. Yung eyeliner nya sabog na sa mata nya. Tagal pa ng halloween eh no?! Hahaha :) Hatinggabi na pala nung dumating sya sa amin. Dito ko nalang sya patutulugin. Mamaya pagkamalan pa 'tong adik dyan sa tabi. Pfft. Last na 'to. Hahaha :)

"Wag mo nalang ipaalam 'to kay kuya ha? Magagalit yun eh." Hmp. Hindi ko ipapaalam sa kanya yun. Ayaw kong kausapin ang loko-loko nyang kuya. Hmp. Maling akala nga naman kasi eh. Dapat panandalian lang talaga. Whatever. Dapat di nako pumayag.

"Talagang hindi no?!" nakapamewang kong sabi. Pake ko dun. Pero parang kakalat ang balita na 'to. Alam sa school na mag-syota si Cyrine at Benj. Kaya I know kung ano ng mangyayare. Bahala na nga.

"Sabi ko nga." sagot nya naman. Tas umakyat na kami. Pinatulog ko sya sa kwarto ko. Tabi nalang kami. Malaki rin naman yun eh.

--------

"Oh pano na?" tanong ko sa kanya. Nandito kami sa loob ng taxi. Namamaga parin ang Puppy Eyes ng napakaganda kong kaibigan. Poor Lady. Ihahatid ko nalang sya. May bibilin rin kasi ako sa NBS na supplies. Papasok na ulit sa School bukas eh.

"Ha? Ano? Ah eh, ewan ko!" napapano 'to? Ang lalim yata ng iniisip nya?! Hala. Baka ma-depress 'to?! Nooooooooooo!

"Cyrine umayos ka nga!" niyugyog ko na sya ng bonggang-bongga. Argh.

"Best OA lang ha? Nagmumuni-muni lang ako. Bakit ba?" Hay Salamat. Kala ko mababaliw na 'to.

"Ano ng balak mo sa relasyon niyo ni Benj? Makikipaghiwalay ka na?" tanong ko. Tignan mo 'to. Ang layu-layo ng iniisip. Nakatingin sa kawalan. Sarap batukan nito ng magising sa katotohanan. Kaasar.

"Ah oo. Tatapusin ko na yun. Kasasabi ko lang kagabi. Tinanong mo na naman? Sira ka eh no" naninigurado lang ako.

"B-b-b-best si kuya yon diba?" nagulat naman ako sa kanya. At tama nga sya! Si Luke ngaaaaaaaaaaaa!

"Pataaaaaayyyy! Kasama nya si Benj?! SINUSUNTOK NYA SI BENJJJJJ" pinahinto namin yung driver. Tumakbo agad si Cyrine dun sa harap ng Convenience Store.

"Kuyaaaa. Tama na. Halika na Kuya. Stop that." Kita kong inaawat ni Cyrine ang gwapo nyang kuya. Gwapo naman talaga si Luke eh. Hot headed nga lang. Kekekeke.

"Stay away from my sister. You b*tch." dinig na dinig ko syang magsalita. Pinagka-kaguluhan na sila dahil sa nangyayare at dahil kay Luke.

" Si Lucas Kenneth Lee yun diba?" sabi nung babaeng naka Stripe T-shirt. At yun nag-tilian ang mga malalanjut.

At yun sumabay na si Cyrine kay Luke. Binigyan nya ko ng Goodbye-Look. Dumiretso na ko sa NBS. Grabe. Nakaka-pasmado ng kamay yung nangyareng yun.Tss.

My Emergency BoyfriendWhere stories live. Discover now