Chapter 3

27 0 0
                                    

"What?! Boyfriend mo ba kamo?! Paano naging kayo ha?! O.O" shock na shock na sigaw ni Cyrine. Nandito kami ngayon sa labas ng Hospital. Tapos, as usual, kinuwento ko sa kanya yung nangyari. Di sya mapakaniwala. Obvious naman eh. Kulang na lang iluwa na nung balat ng mata nya yung eyeball nya sa sobrang laki ^_^. Mehehehe.

"Ano ba Cy, wag ka ngang maingay. Ang OA mo ha! Aksidente lang yun. Babawiin ko rin naman yung nasabi ko dun sa nurse na sinabi nung nurse sa tita mo na kinuwento ko sayo." Hehehe. Gulo no?! Napakunat naman ng noo yung magaling kong kaibigan. For sure hindi na naman nya naintindihan yung halo-halo na sinabi ko. Sinadya ko yun. Haist. Gusto kong sabunutan yung sarili ko. Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yung pinag-gagawa ko.

"Para namang mababawi mo pa yun? Magpanggap kana simula ngayon Best! Panindigan mo yang sinabi mo sa nurse na sinabi ng nurse sa tita ko na ikinuwento mo sa kin! Got it!?" No way! Ayokooooooo! Hindi ako choosy, ayoko lang talaga! Promise! Cross my heart, OH SWEAR TO GOD man! Ayoko sa lokong yun. Ayokooooo. Hihingi nalang ako nang sorry sa Tita nila. Tama! Ganon nalang gagawin ko.

"Hindi pwede. Aksidente lang yun Best! Maniwala ka. Eh hindi ko ngaman lang nga  kilala yang lalakeng yan eh. Ayoko. Ayoko. Ayoko." Sagot ko. Napatayo naman sya sa kinauupuan nya at tumingin sa kin. Seryoso ang loka.

"He's Lucas Kenneth Lee. He's 19 yrs. Old at last year lang sya pumunta or should I say, nag-aral dito sa School natin. Sya lang naman ang anak ni Adrenaline Lee. Siguro obvious na?! Yah! Pangu-ngunahan na kita. KUYA KO SYA! Nag-aaral sya sa  Andrenaline Lee University dahil pina-uwi sya dito ni Lolo para dito na ituloy ang pag-aaral nya. May masalimuot syang karanasan dun sa Canada at nahihirapan syang maka-recover kaya inuwi sya dito sa Pinas. Hindi mo sya madalas na nakikita kasi dun sya sa kabilang building malamang. Duon banda sa may garden na ginagawang tapunan. Tss. Siguro naman sapat na info na 'to ha?! Ok na ba?!" napa-nganga't natulala ko sa kanya. K-k-k-uya nya yun? Yung lalaking inaway-away ko na lokong nagtapon ng bubble tea dun si LUCAS KENNETH LEE yun?! Aaaahhhhh! Sasabog na talaga ulo ko. Kaya pala tinanong nya ko kung kilala ko sya! Packing Tape. Paano na 'to?!

"Yung babaeng minahal nya nang sobra. Wala na sya." naramdaman ko naman na  umiiyak na si Cyrine." Namatay sya sa isang aksidente habang nagmamaneho. That time, Nag-prepare si Kuya nang napakagandang party kasi 2nd Anniversarry nila ni Ate Monica. Sinabi ni Kuya na pumunta ito sa Meeting Place nila. Hahaha. Napaka- ungentleman ni Kuya no?! Joke lang. Tas yun,  Umuulan nun nang napakalakas habang  bumabyahe si Ate Monica nang mabangga yung kotse nya sa isang truck. Alam mo, excited si Ate nun kasi si Kuya lang daw ang lalaking nag-seryoso sa kanya na kahit 2nd Anniversarry palang nila yun. Naghintay si Kuya saka yung mga kaibigan nya hanggang sa malaman nyang naaksidente pala si Ate Monica. Gulat na gulat si Kuya non. Pumunta sya agad dun sa Hospital na kinaroroonan ni Ate. Nakita nya si Ate Monica. Puno ng dugo yung ulo nya. Nabagok siguro yung ulo nya nung nangyari nun. Kaya nung dalin na sya sa Hospital. Dead on Arrival na talaga. Yung driver ng truck matindi rin ang pinsala. Natumba kasi yung truck nun kaya napitpit siya dun sa kinalalagyan nya. Nung naitayo na, may mga basag na salamin na ang nakatusok sa ulo nya at katawan. Galit na galit si kuya non Best! Sinisisi nya yung sarili nya. Awang-awa ako sa nangyari sa kanya. Angnhirap pala. Sobra syang nasaktan. Simula noon, napaka-sungit nya na. Iniisip nung iba na basagulero sya, at kung anu-ano pang negatibo ang binabatikos sa kanya, kahit hindi naman. Ang saklap kasi, yung unang babae nyang minahal, si Mama. Wala na rin siya. Tapos sinundan pa nung pagkamatay ni Ate Monica. Sa totoo lang, ito yung araw na sinagot ni Ate si Kuya eh. At Ang araw na namatay........si Mama...... Kaya siguro nandito si Kuya, kasi gusto nya na ring mamatay tulad nang sinasabi nya sa amin. Naiinis ako sa kanya. Napaka-baba na ng tingin nya sa sarili nya. Napaka Hot-headed nya na eh. Huhuhuhuhu. Best, miss ko na yung dati kong kuya. Yung kuya ko na malambing, maasikaso at masayahin. Huhuhuhu. Miss ko na yun Best........ Hindi ko kayang nakikitang nalulungkot ang kuya ko. Grabe ang expecting ni Tita Jane na magkaroon na ulit si Kuya ng Girlfriend. Paboritong tita ni Kuya Luke si Tita Jane kaya kahit anong gustong ipagawa ni Tita ginagawa nya. Pero nung sabihin nyang kalimutan na ang nangyari, nahirapan lang sya... Kaya panigurado napaniwala mo si Tita dun. " Taena. Namamaga na naman tuloy mata nya. Hephep. Di ko sya pina-iyak ha?! Haist. Yun pala yun. Ang lalaking inaway-away ko na kala ko basagulero nga, walang vision sa buhay ay anak pala ng oaaralan na pina-pasukan ko. Naaawa ako sa Tita Jane nila at Kay Cyrine gayundin kay Luke. Napaka-sama ko. Kailangan ko man lang bumawi. Pero paano?!

"Be his Emergency Boyfriend. Pag-gising ni Kuya Luke sasabihin ko rin 'to sa kanya . Hindi na makakatangi yun lalo na't alam na ni Tita Jane. Ayaw nyang masaktan s Tita Jane panigurado. Sana lang Best, kahit pagpapanggap lang........mahalin mo sya. Yung taos rin naman sa puso mo hindi yung minamahal mo sya kasi kailangan lang. Sana matutunan mo syang mahalin sana gayundin sayo.. Panandalian lang 'to pero kung ayaw mo na.....fine.....titigil na tayo. Deal?" Naaawa. Nagtataka. Kinakabahan. Yan ang mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Ito na ba ang pagsubok na binibiga ni God sakin. Ito na ba yun. Siguro. Ito na nga yun. Yumee, panandalian lang naman oh?! Kayanin mo na muna. Hay.Papayag nako.

Kahit ayoko, kailangan. Kahit alam kong mali, kailangan. Kahit alam ko na may masasaktan, kailangan pa rin. Ito lang ang hindi pwedeng mangyare......

Di ako pwedeng ma-inlove. Hindi. No. Not. Ayoko. :'(

"O-o-o-sige. Gagawin ko na. Alang-alang sa kagustuhan mo." niyakap nya naman ako. Napalitan naman ng ngiti ang mga labi nyang may kalungkutan kanina. Napangiti naman ako.

"Salamat ha! Salamat talaga!" sabi nya naman.

Hanggang sa nagising na si Luke. Laking pasasalamat talaga nila na gumising pa sya. At makalipas ang ilang araw. Sinabi na ni Cyrine ang Deal. Pumayag naman ito. Agad-agad ba?! Oo nga eh. Di na dapat ako nagtaka. Nagkita kami nun. Nawawala na yung mga sugat nya. Nagulat naman ang loko nang ako yung makita nya. Tinawanan pa nga ko eh. Hanggang sa huli pinanindigan na ng loko. Bawiin ko kaya yung sinabi ko na payag na ako?! Joke lang :D Hihintayin ko yung tamang panahon saka ako titigil. Pero bat ganon?!  Habang tumatagal. Nangyayari na ang hindi ko na inaasahan. Nasasanay na 'ko na lagi syang nakikita at kasama. Is this love?! Oh baka nasanay na 'ko! Mali eh. Mali talaga. This can't be.

[EndOfFlasback]

Lagi nalang bumabalik sa isipan ko 'to. Nakokonsensya na naman ako. Paano ako hihingi ng pasensya baka galit parin yun. Nakakahiya. Magso-sorry na nga 'ko. Haist.

My Emergency BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon