Chapter 7: Phone call

187K 1K 78
                                    

Pag katapos ng kissing scene namin ni Atom  naging sikat na kami sa school  oh mas tamang sabihin na sumikat ako bawat sulok ng campus pinag uusapan ako pero 

 pinag uusapan ako dahil gusto akong patayin 

inagaw ko daw kasi si Atom sa kanila 

Wow huh ako nga ang hinahabol ni Atom eh 

oh diba ang ganda ko lang! 

tapos kung maka chismis sila na inakit ko daw si Atom  na kesyo ginayuma ko daw parang yung kanta lang ni Abra huh  hiyang hiya naman kasi ako sa mga mukha nila kumpara ba ako dun sa baklang ka partner ni Abra! 

Kapag ako nainis sa kanila.. 

Hahalikan ko si Atom sa harap nila isa isa tingnan ko lang kung hindi sila mang galaiti sa galit tutal patay na patay naman sila sa manyak na yun eh! 

kagaya nalang ngayon nandito kami  theater ng School walang klase kasi requaired kaming manuod nitong stage play  at dahil madilim ang mayak na to panay todo akbay sa akin  hindi naman ako makatanggi may utang ako sa kanya diba nung sabihin nyang Wife nya ako sa harap ng mga teammates nya pati nung flirt na si Vina 

May mga hiningi syang kapalit 

pag silbihan ko daw sya.. 

akala ko nung una yung parang sa katulong kaya binatukan ko agad sya pero ibang pag sisilbi pala yung gusto nya 

gusto nya na lagi ko syang pinag luluto.. 

gusto nya na lagi akong tatawag kung nasan ako 

gusto nya alagaan ko sya ng parang baby.. as if! 

gusto nya lagi kaming mag kasama kapag nasa school kami at ang pinaka huli 

gusto nya isigaw ko sa lahat na patay na patay ako sa kanya!

yung tatlo kayang kong gawin pero yung Huli! never kong gagawin yun! kahit na sabihin nya pa yung sikreto namin ni Kuya Jim hindi ko gagawin yung gusto nya! 

nakita ko pa na nag hikab sya parang di nya feel yung pinapanuod nya yung mga kasama naman namin tutok na tutok sa panunuod kahit madilim mahahalata mong gwapo sya..

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon