Chapter 48: Memories

60.4K 769 41
                                    

Ella

I’m happy…I’m happy with kind of life I have right now. I have a daughter who’s always makes me smiles when I feel sad and a husband who always there to protect me when I’m weak. Hinawakan ko ang maliit ko pang tyan. Napangiti ako. ilang buwan pa ang bibilangin at mag kakaroon na naman ako ng bagong mamahalin. Ang magiging anak namin ni Atom. Isang linggo na mula ng malaman namin na buntis ako at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may isang munting anghel na unti-unti nabubuo sa sinapupunan ko.

Sa loob din ng isang linggo hindi ako iniwan ng asawa ko. lagi syang nakabantay sa akin na para bang isa akong babasaging kristal na kailangan nyang pakaingatan. Si Tammy naman sobrang excited na sa magiging kapatid nya. palagi nya rin kinakausap ang tyan ko. may pangalan na rin sya para sa kapatid.

“Mommy, wag kag masyadong gumalaw baka mahilo si Luli sa tummy mo!” Saway sa akin ni Tammy. Napangiti ako. Simula ng malaman nya na buntis ako palagi nyang sinasabi na babae ang magiging kapatid nya. kabaligtaran naman ng hinala ni Atom na lalaki ang pinag bubuntis ko.

I held her angel face.

“Opo. Behave na ako. kapag na rinig ka na naman ng daddy mo mag aaway na naman kayo nun. Come here. Kiss mommy nalang.” Wika ko. lumapit sya sa akin at niyakap ako. She also gives me a peck on the lips. Sobrang mahal na mahal ko sya. She’s my happiness.

Nasa sala kami at nanunuod ng t.v. pinag balat ako ng isang katulong ng mga apple para kainin ko at ipinag timpla pati na rin gatas. Simula ng mag buntis ako hindi na ako pinapaalis ni Atom ng bahay. Masyado syang nag aalala para sa kalayagan ko.

Ang sabi naman ng doctor hindi maselan ang pag bubuntis ko pero ayaw parin pakampante ni Atom.

“Mommy, I want to see uncle Lid, Uncle Keni and Uncle Lee. I miss them, let’s visit them now. Please…” Pag mamakaawa nya. minsan talaga hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip nya. ang totoo, miss ko na rin ang tatlong mokong. Naka bukod na kasi kami sa kanila. Nag isip ako sandali.

Hindi naman siguro magagalit si Atom kung pupuntahan ko ang mga kapatid nya.

“Okay pupuntahan natin sila but first go to yaya and get dressed.” Wika ko. Nakita ko ang ngiti sa mga labi nya.

“Okay, Mommy!”

“Yaya, Pakibihisan naman si Tammy.”  Utos ko. kinuha ng isang kasambahay si Tammy at dinala sa kwarto. I called Atom pero hindi nya sinasagot. Tumayo ako para pumunta sa kwarto. Pag katapos mag bihis, agad kaming pumunta ni Tammy sa office. Una namin pinuntahan ang office ni Keni. Pag kakita palang ni Tammy sa kanya agad na syang tumayo at sinalubong ng yakap ang pamangkin.

“Uncle Keni! I miss you so much!” Tili ni Tammy pag katapos yakapin si Keni at pag hahalikan sa mukha. Tawa ng tawa si Keni sa ginagawa ni Tammy. I’m just standing behind them. Ang sarap nilang panuorin.

“I miss you too, superstar!” Wika ni Keni. Kitang kita sa mukha nya ang saya dahil sa pag dating ni Tammy.

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon