Chapter 49: Marriage

56K 748 71
                                    

Ella

Panay ang habol ko ng hininga. Pakiramdam ko may sumakasakal sa akin. Pabaling-baling ang ulo ko at pawisan ang buong katawan ko. Panay ang balik sa akin ng mga alalaa... Napabalikwas ako ng bangon  Tinakpan ko ang mukha. Panaginip lang ang lahat. Hindi pwedeng mag katotoo ang lahat ng iyon.  Tumingin ako sa natutulog na si Atom. Kapag nalaman nya ang buong katotohanan, siguradong kamumuhian nya ako.  Ang isang katulad ko ay walang kapatawaran ang ginawa...

I was a mistress of my own brother-in-law.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Hindi dapat magising si Atom at malaman ang lahat. Ngayon bumalik na talaga ang mga alala ko. Bakit ko nagawa sa kapatid ko ang bagay na yun? Bakit?

Napaka-sama kong babae. Wala akong delikadesa para pumatol sa asawa ng kapatid ko. Iyak ako ng iyak. Naiisip ko ang ate ko. Naawa ako sa kanya, dahil wala syang alam sa naging relasyon namin ni kuya Jim.  Napakabait nya sa akin pero eto pang sinukli ko sa kanya. Anong klase akong kapatid? Anong klaseng tao ako. Paano ko nagawa yun?

Tahimik akong nag dasal. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, pero buong puso akong humihingi ng tawad sa diyos dahil sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa nakaraan. Sana kaya ko pang ibalik ang lahat. Sana kaya kong baguhin ang mga nangyari. Alam kong imposible ang iniisip ko pero isa lang ang magagawa ko ngayon.

Kailangan kong puntahan ang ate ko ang humingi ng tawad sa kanya.

Atom 

Pag gising ko, wala na si Ella sa tabi ko. Agad akong napabangon. Hindi ako sanay na hindi sya kayakap pag gising ko. Hindi ako sanay na wala sya sa tabi ko. Tumayo ako para hanapin ang asawa ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sya sa terrace at nakatingin sa kawalan. Dahan-dahan akong lumapit at niyakap sya sa likod.

"Good morning misis ko." Malambing ko bati. I kissed her neck.  Lumingon sya sa akin. Napakaganda talaga ng asawa ko. Talagang wala na akong mahihiling pa.

"Good morning mister ko." Nakatingin lang sya sa akin. Parang may gumulo sa isip nya, dahil mukha syang matamlay. Hinarap ko sya at hinapit-palapit sa akin.

"May problema ba? May masakit ba sayo? Pinapahirapan kaba ng junior natin?"  Nag aalala kong tanong.  Siguro pag labas ng bunso namin, papatigilin ko na syang mag buntis, dahil ayoko na syang mahirapan pa. She cupped my face and kissed my nose.


"I'm alright. Mabilis lang siguro akong mapagod ngayon dahil na rin sa pag bubuntis ko. Wag kang masyadong mag alala sa akin. Kaya ko ito. Hindi mo naman ako iiwan diba?"

"Saan mo naman nakuha ang tanong na yan?" Nag tataka na talaga ako. Ganito ba talaga ang mga buntis? Mahilig mag drama?Pinag dikit ko ang mga noo namin.

"Mamamatay muna ako bago kita iwan. Alam mo naman na hindi ko na kayang malayo sa inyo ng anak natin.Kayo ang buhay ko. Ang rason kung bakit ako nabubuhay. Mahal na mahal ko kayo." Madamdaming kong wika. Pumikit sya habang walang sawa kong pinag mamasdan ang maganda nyang mukha.

My loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon