CHAPTER 38: Just A Little Bit

12.7K 408 100
                                    

Badtrip ah, napunta sa random itong story ko. tss! Ilang araw na kaya siyang nasa random category? tsk! Buti nakapagsulat na ako ng update dati pa kung hindi nadamay na naman ang utak ko sa kabadtripan. >.<

Enjoy po! mwaaa!

***

CHAPTER 38: Just A little Bit

POINT OF VIEW: Fang Angelo DeVille

"Cap'n aalis na ba tayo?" asked my helmsman nang makasalubong niya ako paakyat ng ship.

"No lad, susundan lang natin ang Black Striker. Hanggat hindi siya umaalis dito, hindi din tayo aalis." sagot ko naman habang hilot hilot ang aking ulo. "Go ahead, just splice the mainbrace." dagdag ko na ang ibig kong sabihin ay uminom lamang sila at magpakalasing kung nais nila.

"Aye Cap'n. Hindi mo ba kami sasamahan?"

"I'll take a caulk." I answered back which means I'm going to take a nap. Tumango naman siya bilang pagsagot. Naglakad ako papasok ng Captain's cabin pero bago yun ay hinanap ko muna si Snow, pero wala siya sa loob.

"Damn." umiling-iling ako upang tanggalin sa akin isipan ang mga sinabi ni Snow kanina. Naglakad na akong muli at nagpahinga muna sa aking cabin.

"This is crazy!" I exclaimed dahil hindi ako mapakali. Hindi ko kayang matulog na may dinadalang katanungan sa aking isipan. "God damn it!" sinipa ko yung mesa na nasa aking tabi.

"Fang---" bigla ko na lamang narinig ang boses ni Snow kasabay ng pagbukas ng pinto, nakita ko sa kanyang mukha ang pag-aalala. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago ulit siya nagsalita.

"A-akala ko may nangyaring h-hindi maganda sa iyo. N-narinig kasi kitang sumigaw." nauutal niyang sinabi tsaka siya umiwas ng tingin.

"Can we talk?" tanong ko sa kanya. Muli siyang napalingon sa akin. Her rounded brown eyes looked into mine for a second.

"Wala naman tayong kailangang pag-usapan. Kalimutan mo nalang ang mga sinabi ko." she answered with a fake smile. She stepped backward and tried to close the door pero mabilis akong gumalaw upang pigilan siya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay, napatingin naman siya dito.

"Snow, I'm sorry. I really am sorry." bulong ko ngunit hindi niya ako pinansin bagkus ay hinawakan niya ang aking mga kamay. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pag ihip niya sa aking balat. Yung mga sugat ko sa aking mga kamao ay nagsimulang maghilom.

Pinagmasdan ko lamang siya ng tahimik habang ginagamot niya ang aking mga sugat. She's a nice woman, I like her. But I don't have any special feelings for her.

Nagulat na lamang ako ng bigla niyang idampi sa kanyang mga pisngi ang aking mga palad matapos niyang gamutin ang aking mga sugat.

"So warm..." bulong niya habang nakapikit at ninanamnam ang haplos ng aking mga kamay. "Your hands are warm and soft like your heart." binitawan niya ang mga ito at ipinatong naman ang kanyang kamay sa aking dibdib. "Don't let your heart turn into ice or stone." she added tsaka siya ngumiti sa akin at tumalikod.

"Snow--" hindi niya ako muling pinansin at tahimik siyang lumabas. Napahawak nalang ako sa aking mukha.

I threw myself on the bed and stayed there for how many hours doing nothing. A photo of Jill was on the wooden top. and I just stared at it for a long while. Bumalik sa akin ang isang ala-ala mula sa nakaraan.

***FLASHBACK***

"I'd like to eat." Jill pouted and patted her stomach.

"Guess what, I'm thinking about cooking right now. Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya kasabay ng paghawak sa kanyang chin.

Dead Man's KissDonde viven las historias. Descúbrelo ahora