FINALE: True Love's Kiss

10.4K 428 156
                                    

A/N: I don't think na matutupad ko pa yung sinabi ko dati na gagawa ako ng prequel. Kaya isinulat ko nalang dito sa last chapter yung nangyari sa past. Flashback lang siya. Sana maintindihan niyo pa din. Anyways tumatanggap naman ako ng questions.

Eto na pi ang finale...huhuhu! Enjoy!

***

FINALE: True Love's Kiss

"Humans should know that there is no fairy tale, and there is no HAPPILY EVER AFTER."- Death.

.

.

.

---3 MONTHS LATER---

POINT OF VIEW: Jill Scarlet Maiden

"Once upon a time, there was a chest of gold," pagsisimula ko ng kwento kasabay ng paghaplos sa aking tiyan. "Sa mga gintong laman nung chest, tatlong piraso dito ay sinasabing mahiwaga. Sabi nila may kakayahan ang mga ito na magbukas ng pintuan tungo sa isang isla na matagal nang nawawala," matamlay akong ngumiti.

I let go of a long sigh and hold my breath for a second or two to stop my tears. Naaalala ko kasi ang daddy ko...at...si Jack. Kahit pinigilan ko ay pumatak pa din ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata.

"Ginawang medalyon yung ibang golds at ipinamigay sa bawat myembro nang grupong nakatuklas sa treasure chest. Lumipas ang mahabang panahon, the medallions was past from generation to another generation..." pinunasan ko ang aking luha at tumingin ako sa aking tiyan, "...at alam mo ba baby, si Daddy ko dati ang isa sa mga may hawak sa tatlong medalyon. Oo, ang lolo mo. Nakakalungkot lang at hindi mo na siya makikilala."

Tumayo ako at naglakad papalapit sa salamin na nasa aking harapan.

"That medallion was the reason I met your father," pagpapatuloy ko, banayad kong hinimas ang aking tiyan. "Your Father's name is Jack, and he was the bravest man I've known in my entire life. Dahil sa daddy mo, nagawa kong iwan ang uncle Fang mo." Tumawa ako ng mahina, pero patuloy lamang ang pagdaloy ng aking mga luha.

"I was a cheater baby, I loved Fang but...I fell out of love. Fang's my first love I think, but Jack was my first TRUE LOVE, first TRUE KISS, my FIRST EVERYTHING. I was a cheater..." I covered my face with both hands, "...kaya siguro ako pinarurusahan ngayon."

It's been three months already since Jack was gone, but the pain and memories are still fresh like it was just yesterday since I last saw him.

Ramdam ko pa din ang mga yakap niya, ang halik niya, naririnig ko pa din ang pagtibok ng puso niya, nararamdaman ko pa din ang kanyang hininga na tumatama sa aking pisngi. I miss him, I really miss him so much.

Bakit hindi siya bumalik? Naaalala ko na ang lahat, ibig sabihin nagtagumpay siya? Ngunit bakit hindi na siya muli pang nagpakita? Iniwan na naman niya ako.

Muling nanumbalik sa akin ang nakaraan. Ang unang paghihiwalay namin ni Jack. It was the day he received his curse.

***FLASHBACK***

"Jack..." pagtawag ko sa kanya. "What are you doing in my room?" nagtataka kong tanong. Ang gulo ng aking silid. Napasulyap ako kamay niya, may hawak-hawak siya, mabilis niya itong itinago sa kanyang likuran. "What are you hiding in your hand?"

Napabuntong hininga siya tsaka niya ipinakita sa akin ang hawak-hawak niya. Ang medallion na bigay ni Daddy sa akin dati.

"That's mine," mahina kong sambit kasabay ng ngiti.

"It's mine now."

"W-what?" my eyes widen, "What are you saying? Baby it's not funny. Give it back please---"

Dead Man's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon