CHAPTER 7: Mysterious Isla De Muerta

14.1K 535 64
                                    

CHAPTER 7: Mysterious Isla De Muerta

From East Carolina

Victories are told

Of the spirit of the Pirate

And his purple and gold

****

Magkasabay na naglakbay sa dagat ang Red Runner at Black Striker.


Inimbitahan ni Jack si Fang na sumabay sa amin sa pagkain.


Napag-alaman kong matalik na magkaibigan pala sila dati ngunit naghiwalay sila nang kumalas si Jack sa kanilang grupo.


Hindi ko alam kung ano ang naging dahilan niya. Siguro ay gusto niyang gumawa ng sarili niyang grupo.


Tahimik lamang akong kumakain habang pinapakinggan ang usapan nila.


"Tinangka na naming hanapin ang nakabaon na kayamanan sa Isla De Muerte ngunit nabigo lamang kami," nakangiting saad ni Fang kay Jack "I lost my men the last time I stepped my feet to that Island."

 

"It's not the buried treasure that I want, I'm after the giants. You know that mate," sagot ni Jack bago niya inumin ang alak na hawak niya.


Giants?


Naging masama ang kutob ko. Narinig ko na dati ang Isla De Muerta pero ang alam ko lamang ay misteryosong lugar ito.


"Alam na ba niya?" tanong ni Fang. Iniangat ko ang aking mukha upang tingnan siya.


Nakatingin siya sa akin. Ngumiti siya at namula na naman ang buong mukha ko. Bakit ba kasi ang gwapo niya? Ang hirap niya tuloy titigan.


I slid my fingers next to my ear to brush my hair. Nakakaconscious ang kanyang mga tingin.

 

"Hindi pa. At wala akong balak ipaalam." sagot naman ni Jack. Nakatuon lamang ang tingin niya sa kanyang plato.


Pero bakit ang pakiramdam ko ako ang tinutukoy nila? Ano bang hindi ko alam?


Isang mahabang katahimikan.


"Eheeeemmmm," I cleared my throat to break the ice. "Ahm where are we heading?" naitanong ko, para lang masabing nagsalita naman ako.


"Isla De Muerta" nag smirk si Jack at lumapit sa akin. "Finish your food. Baka kasi magutom ka paglapag natin sa islang iyon" he touched my lips and I shivered.


Nangilabot ako sa hindi malamang kadahilanan.


"Jill" napalingon naman ako kay Fang. "What do you know about Jack?" I blinked several times bago mag sink in sa utak ko yung tanong niya.

"Ha?" nalilito kong tanong. "Why do you ask?" I said and switched my gaze to Jack. Medyo weird yung tanong ha.


"Just asking hearty" ngumiti na naman siya. Nakakaadik naman ang mga ngiti niya.


"You know, you don't have to answer his stupid question" hinawakan ni Jack ang braso ko upang patayuin ako. "You done eating ayt?. Now leave" itinulak niya ako palayo. Ang sama talaga niya. -_-


"Aye" sarcasting kong sagot pero bago ako lumabas ay nagmungkahi ako. "I know nothing about Jack but one thing," pumameywang ako "He's scared of death" ngumisi ako at inirapan si Jack sabay walk out.


Dead Man's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon