4th Blood: "Trapped"

13K 290 20
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK


***



"SABIHIN mo nga. Bakit sa dinami-dami ng taong

pagkakatiwalaan ni Alex eh kailangang babae pa? Kung hindi ikaw, pwede naman 'yong mga kaibigan niya. O kaya... o kaya ako."

Gustong magpanggap ni Vina na hindi niya nariringgan ng selos ang tono ni Shie. Baka kasi kapag binanggit niyang nagseselos ito, bigla na lang nitong tapakan ang brake sa kotse pagkatapos ay tumalsik si Vina palabas. Pero hindi naman maiwasan ni Vina na pagkatuwaan si Shie.

Wala naman kasing kaibigan si Alex. Ang tinutukoy marahil ni Shie ay iyong mga rogue wolf na minsa'y kasa-kasama ng mokong kapag papasok sa isang pack. Mersenaryo si Alex, binabayaran para mag-assassinate ng kung sinu-sino. Kaya nga maraming pera ang loko, eh. He's not technically a rogue but a werewolf assassinator. And every rogue knows that they have to stay away from Vina dahil siya lang naman ang tanging tao na pwedeng ilaban ni Alex ng patayan.

Kaya kapag umaali-aligid ang mga lobo sa kanya, may motibo mang maganda o masama, deadbols ang mga iyon kay Alex.

Minsan naitatanong ni Vina sa sarili kung bakit ginagawa ni Alex ang ganoong kadelikadong bagay. After all, Alphas are not generally easy to take down. Ang alam lang naman kasi niya, may weird na galit si Alex sa packs at sa mga Alpha. Pero iyong pag-a-assassinate ng mga taong-lobo, hindi niya alam kung ano'ng pinanggagalingan niyon. Sometimes she hates it. And sometimes, she didn't know why she deals with it.

"Ewan," sagot niyang may pagkikibit ng balikat. "Itanong mo sa kanya. Gusto mo tawagan ko na ngayon?"

"Kakalbuhin kita, Vina. H'wag kang magkakamali."

Napahinga siya ng malalim at nailing-iling. "Calm down, Shie. Mabait si Becka, okay? Hindi ka aanuhin no'n. At saka isa pa, they flirted like... a long time ago. Wala ka namang dapat ipag-selos. Pinagkatiwalaan ni Alex si Becka dahil may napagkasunduan sila."

Wala sa pack ni Becka ang gagalawin ni Alex.

Fair enough to Vina. Malakas ang Autumn Knight. Marami ring sabi-sabi na matalino ang Alpha niyon at may alyansa sa tatlo pang malalaking packs sa loob at paligid ng Alexandria. Ang kasunduan ni Becka at Alex ay para sa kabutihan ng dalawang panig kung tutuusin.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon