2nd Blood: "Maden Madness"

15.6K 334 29
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: RAIN JENSENS IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK

***


"SHIE? Yuhoooo! Shieeeee! Oy! Pagbubuksan mo ako o susunugin ko itong bahay mo? Mahal pa naman bili ni Alex dito!

Tapos masusunog ka rin! 'Pag minalas ka, mabubuhay ka kaso tustadong bebot ka na! Buksan mo 'tooooooooo!"

Pinagpatuloy ni Vina ang pagkatok at pambubulabog sa harap ng pintuan ni Shie, ang kanyang pinakamatalik na kaibigan. Alam niyang naririnig siya ng dalaga, ayaw lamang talaga siyang pagbuksan nito ng pintuan.

Kaninang madaling araw lang siya nakarating ng Maden. Tumigil siya pansamantala ng dalawang araw sa Lake Salt sa isang inn doon. Dahil mabait iyong lalaki na kumakanta ng booba (sa hindi niya malamang kadahilanan) na binigyan siya ng apat na libo, pinagpasyahan niyang mag-enjoy muna doon sa inn.

Kaninang madaling araw ay umalis siya ng Lake Salt para pumunta ng Maden kung saan nakatira si Shie. Shie is human through and through. Hindi gaya niya na kalahating werewolf pero walang werewolf abilities. Sa palagay ni Vina ay namana niya ang lahat ng traits niya sa magulang niyang normal.

But see, that's the most difficult thing to figure out. Because Vina never knew her parents.

She was basically just thrown into an orphanage sa loob ng teritoryo ng Archers pack na located sa dating Blue Bay, Dahlia na ngayon ay tinatawag na nilang Helena since the ascension of Dreasiana Colony. Wala as in WALA kahit na sino ang nakakaalam kung sino at kung ano;ng itsura ng kanyang mga magulang. Minsan nga iniisip niya na baka dyosa lang talaga siyang inihulog mula sa langit, na-reincarnate lang sa baby na binalot ng manila paper at itinambay sa labas ng orphanage ng Dahlia dati. Makes sense?

Probably not.

Paulit-ulit niyang kinalabog ang pintuan ng bahay ni Shie. "Shie! You make bukas-bukas the door because I'm going to make sira-sira this if you won't make baba-baba to the stairs!"

Hindi niya alam kung paano natitiis ni Shie ng ganoon katagal ang pag-iingay niya sa labas ng pintuan. Well, kung sa bagay, natiis nga nitong maging kaibigan siya sa napakahabang panahon, eh.

Sa pagiging insistent ni Vina at siguro'y dahil naputol na rin ang pisi ng kanyang kaibigan ay bumukas na sa wakas ang pintuan. Bumungad sa kanya si Shie na umuusok na ang ilong sa galit.

"Utang na loob, Vina, hindi mo kailangang dambain ang pintuan ko na parang tinatakot mo siya. Pintuan lang 'yan maawa ka. Wala ka bang kunsensya?"

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon