26th Blood: "Deranged"

6K 146 9
                                    

26th Blood: "Deranged"

 

 

            She couldn’t believe her eyes. Tila nga hindi pa nagsi-sink in kay Vina ang nangyayari. Si Becka? Imposible. Napaka-imposible. Marahil ay nagbibiro lamang ang kaibigan. Marahil ang nanggu-good time na naman si Becka. After all, mahilig sa gano’n ang kaibigan niya.

            Because there is just no way that Becka would do what she’s hinting at.

            Right?

                 “What’s the matter, Rain? Cat got your tongue?” dinig sa tono ng kaharap nila ang panunuya. Rain growled at Becka in response to that sneer. “Aww. Pissed, aren’t you? I remember feeling that way nang mapunta ako sa walang kwenta n’yong pack. But then I really have no choice.” Nagkibit ito ng balikat and still, Vina’s brain couldn’t process what’s going on. “I wanted Autumn Knight. I decided I’ll fucking have it.”

                 “You fucking—”

            Naging mabilis ang pangyayari. Nagtangka si Rain na sumugod at magpalit ng anyo. But due to an unknown force, chains and cuffs rose from the ground and clasped into Rain’s ankles and wrists, pulling him down. Sa kanyang pagkabigla, humalakhak ang babae. At ang nakakapanindig-balahibong tawang iyon ay sumabay sa hiyaw ni Rain sa sakit.

            His wounds! She remembered. He has wounds!

            Agad niyang dinaluhan si Rain na nalugmok sa sahig at nanginginig sa galit. His eyes are gold, his wolf eyes, she realized. Nakalabas na rin ang canines at claws nito ngunit sa hindi niya malamang kadahilanan, he wasn’t shifting.

                 “Rain? Rain, what’s going on?” her voice was laced with panic. At marahil ay naramdaman iyon ng binata nang bumaling ito sa kanya’t hinaplos ng nakakadena nitong kamay ang kanyang kaliwang pisngi. “I-I’m scared…”

            Huminahon ang ekspresyon ng kanina’y galit nitong mukha.

            Oh gods, how he felt her fear. Triple ng takot ni Vina ang nararamdaman niyang takot. He wasn’t scared for his life. No. He was scared for Vina’s. Kung siya lamang ay mas matatanggap pa niya. This was long due. Matagal na niyang inaasahan na babalikan siya ng Dreasiana.

            But certainly not this way. Not like this. Not through Vina.

                 “Princess… princess, trust me. I won’t let you be put in harm’s way.”

            Umalingawngaw sa kulob na silid ang nanunuyang tawa ni Becka. He gritted his teeth in anger. If he could just shift into his wolf, he’d rip her apart for this. But he can’t. Kilalang-kilala na niya ang mga makabagong teknolohiya na ginagamit ng Colony upang mawalan sila ng panlaban sa mga ito.

            The High Queens already know how to incapacitate them. They just needed this goddamn handcuffs and chains with a chemical aimed to prevent him from shifting and he will be powerless. Ayaw na sana niyang maulit ang nangyari walong taon na ang nakalilipas. Ngunit hindi naman niya inaasahang may nakatanim pa lang kasabwat ang kolonya sa sarili niyang pack.

Black Blood Academy: Rain Jensens  (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon