O56

1.3K 43 28
                                    

The day. This was the day when I asked her dumb, good-for-nothing boyfriend to tell her all his mistakes. I had not slept well within the week because I was so worried. I saw Juliana this week looking so pale and lifeless. She looked like she was barely living so I decided to contact Oliver again.



How come her boyfriend did not even ask her if she was doing well? Wasn't he worried that his girlfriend almost looked like she was going to faint any minute?



Napakatanga niya. Seryoso. Juliana truly loved him yet he was doing something horrible behind her back in spite of having someone who cherished him. Hindi niya magawang makuntento. Tangina niya talaga.



I had not seen Tasha this morning. I actually waited for her at their building but I did not see her walked in. Ang alam ko may pasok siya ng ganitong araw. Na-late lang kaya siya? or hindi siya papasok? Para namang hindi siya um-absent, e.



"Bro, nakasilip ka na naman d'yan," rinig kong asar ni Julian habang naglalakad palapit sa akin. Inabot niya sa akin 'yung frappe na libre raw niya dahil mukha na raw akong mahihimatay. Gago talaga 'to. Hindi nalang aminin na mahal na mahal niya ako.



"Iniintay ko. Baka lumabas, e," sagot ko sa kaniya habang kinukuha sa bag ko 'yung metal straw.



"Lumabas kanina, ah?"



Napatingin ako sa kaniya bigla, "Gago?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit hindi ko siya nakita kung lumabas na siya? Hindi ko naman maalala na kumurap ako, ah.



"Oo. Ano ba 'yan, bro? Akala ko ba agile ka? Self-proclaimed lang pala," pang-iinsulto niya.



"Saan mo nakita?" 




"Sa Lagoon. Nakaupo siya d'on, mag-isa,"



I wasted no time and ran as fast as I could before she disappeared. Nakita naman pala ni Julian, hindi man lang sinabi sa akin.



Bakit ba siya lagi nakakakita kay Tasha? Hindi kaya sila nakatadhana sa isa't-isa? Eh, magkakamatayan kami ni Julian kung ganoon.



Mga ilang minuto ng pagtakbo, hingal na hingal akong sumandal sa puno malapit sa inuupuan niya. Nandito lang pala siya, nag-antay pa ako doon. 



"Oh shit," sabi ko ng bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Nagkunwari akong nagbabasa. Buti nalang may libro akong dala dala. Life saver talaga lagi 'tong libro na 'to.

See U LaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon