1OO

1.5K 61 54
                                    

TITUS

"Bobo mo kasi. Um-oo ka, 'di ka naman prepared," reklamo sa akin ni Julian na prenteng prente na nakahiga sa kama ko.



"Sino may sabing hindi ako prepared?" tanong ko.



"Bakit prepared ka ba?"



"Oo naman, tanga. Nasaan na 'yung pinabili ko?" nagmamadaling tanong ko habang naghahanap ng isusuot.



Kakauwi ko lang kasi galing sa company ni Dad. Kung ano ano pa pinagawa sa 'kin. Training na raw 'yon para sa future ko. Ewan ko sa kanila. Sumusunod na lang ako.



"Oh," sabay abot sa akin ng pinapabili ko sa kaniya. "Kung saan saan pa ako naghanap. May bayad 'to ah!"



Kinuha ko yung wallet ko at sinampal sa kaniya 'yung 1000 pesos. Ngumiti siya sa akin agad agad at niyakap ako. "Napakagalante mo talaga."



"Mukha ka lang pera," pamimilosopo ko.



"At least, hindi corrupt," sabi niya at bumalik ulit sa pagkakahiga.



Pinabili ko kasi siya nung ibibigay ko sana kay Tasha. Sana hindi siya ma-weirdan. Tangina. Kinakabahan talaga ako. Ilang beses ko naman na siyang nalalapitan. Nakatabi ko pa nga sa upuan n'on pero kakaiba talaga ngayon.



Para akong natatae tuloy.



"Ano? Kailangan mo ba ng back-up? Tatago ako sa likod niyo?" suggest ni Julian.



"Hindi na. Matulog ka na lang dito," sabi ko.



"Buti naman. Pahiram PS5 ah," sabi niya at umupo na agad agad sa gaming chair ko at kinuha yung bala ng Horizon.

See U LaterWhere stories live. Discover now