Chapter 7

7.2K 220 3
                                    

Chapter 7

Pag uwi ko sa bahay namin ay kaagad kong tinext sina Victoria at Airah. I asked them if they have my things para hindi na ako pumunta pa kina Marco.

Mabilis namang nagreply si Victoria at sinabing nasa kanila na ang gamit ko. She also asked why I didnt go to school. Nagdahilan na lang ako na masama ang pakiramdam ko at iexcuse na lang nila ako sa mga prof namin.

I dont want to tell them right now my reasons. Alam ko na ang magiging pakahulugan nila sa idadahilan ko at ayokong marinig iyon ngayon.

Pagkatapos ng tanghalian ay mabilis akong naligo at nagbihis. I need to go somewhere. Sigurado ako na dadaanan ako ni Jax dito sa bahay at aayaing sumama sa kanila ni Mia.

I dont want to be a third wheel. Never!

Sinuot ko ang kulay royal blue ko na dress. It was royal blue spaghetti strap dress na umabot hanggang taas ng tuhod. I match it with my wedge sandals. Pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag ko at dali-daling lumabas ng kwarto.

I am going somewhere basta wag lang akong isama ni Jax sa date nila ni Mia.

Pagbaba ko sa hagdan ay napakunot-noo si Manang Lusing dahil nakaayos ako.

"Saan ka pupunta? Akala ko bang masama ang pakiramdam mo?" takang tanong ng matanda kaya napahinto ako sa paglalakad.

"M-Manang p-pupunta po ako sa kaibigan ko. Kukunin ko po yung mga notes namin ngayon dahil may exam bukas." wika ko na bahagya pang napakagat sa labi dahil sa pagsisinungaling ko.

Kumunot ang noo niya kaya akala ko ay hindi siya maniniwala pero ilang sandali lang ay tumango siya.

"Oh siya. Huwag kang magpapagabi sa daan." aniya kaya tumango na lang ako.

"Thank you Manang!" wika ko bago dali-daling lumabas.

Doon ay nakita ko si Mang Lando na napaayos ng tayo. Muli ay lihim akong napangiwi. This day is full of lies.

"Aalis po kayo Mam?" tanong niya kaya tumango ako.

"May pupuntahan lang po ako. Hindi niyo na po ako kailangan ihatid. I can take a cab." wika ko sa kanya. Mukhang nag alangan pa siya kung papayagan ako o hindi kaya muli akong nagsalita. "No worries Manong I'll be okay." wika ko sa kanya at bahagya pang tinapik ang balikat niya bago dali-daling lumabas ng gate at hindi na siya hinintay na makasagot.

Pagdating sa gate ay kaagad kong pinara ang padating na taxi.

I decided to go to the Mall since wala naman sina Airah. Pero ilang sandali lang ay tinext ko sila na  dumiretso sa mall pagkatapos ng klase. Its too boring to be alone.

Pagdating ko sa mall ay naglibot-libot lang ako sa mga botique hanggang matanawan ko ang isang stall na may nakadisplay na necktie.

Mabilis akong napangiti. "Can I take a look at this?" tanong ko sa Sales lady na nandoon. Ngumiti sa akin ang sales lady at tumango.

"Yes maam." aniya na mabilis na inilabas ang necktie.

It was a black stripe necktie.

"It was a charles tyrwhitt necktie Ma'am. It was their limited edition necktie." wika ng sales lady pero hindi ko siya masyadong pinansin dahil iniimagine ko si Jaxon.

I think it will suit him.

"I'll get it." wika ko sa sales lady at inabot sa kanya ang necktie.

Nang mabayaran ko na ang necktie ay pinabalot ko na rin ito. Sigurado akong matutuwa si Jax dito.

Nagwindow shopping muna ako hanggang maisipan kong kumain. Its three-thirty already. Ilang sandali nalang ay uwian na.

Pumunta ako sa starbucks at doon nagpalipas ng oras. I even texted Airah again. She replied saying that they cut classes at papunta na daw sila dito kaya napailing ako. I gave them my location at ilang sandali pa ay dumating na sila.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceWhere stories live. Discover now