Chapter 2

9.6K 266 4
                                    

Chapter 2

"Xhia sasama ka ba mamaya?" tanong ni Airah sa akin bago sumimsim sa hawak niyang frappe.

"Where?" takang tanong ko matapos sumubo sa cake na nasa harapan ko.

Its lunch time at nandito kami ngayon sa coffeeshop na malapit sa University.

"Sa mall. Shopping." sagot ni Victoria sa akin.

"Hindi ako nagpaalam." sagot ko bago kinuha ang Frappe ko.

"Kanino? Kay Jaxon?" si Airah na sinulyapan pa ng makahulugan si Victoria.

"Yeah. Siya ang susundo sa akin mamaya." sagot ko at muling sumubo ng cake.

"Tawagan mo. Magpaalam ka para naman makagala tayo mamaya. May sale ngayon sa Mall." ngiting-ngiting wika ni Victoria kaya napaisip ako.

Sabagay. October na rin naman at ilang araw na lang ang pasok namin at sem break na.  It will be a good time to go shopping.

"What Xhia? We're waiting." si Airah na nginisian pa ako.

They know that I wont decline the word SALE kaya ganyan sila. Tsk.

"Fine. I'll call Jax first." wika ko bago kunin ang Cellphone ko at tawagan si Jax.

Nakatatlong ring ang Cellphone niya bago sinagot ang tawag.

"Hey, Baby." bungad niya sa akin kaya otomatiko akong napangiti.

He used to have that endearment to me eversince I was eight. Yun na ang nakasanayan kong itawag niya sa akin pero hanggang ngayon ay may mumunting saya sa dibdib ko kapag naririnig ko na tinatawag niya akong ganon.

"Jax pupunta kami sa Mall nina Airah later. Can you pick me up at the mall?" tanong ko.

Ilang sandali siyang tahimik bago siya sumagot kaya napakunot ang noo ko. Dati naman ay kapag may ganito mabilis siyang sumagot kaya nakapagtataka na matagal siyang sumagot ngayon.

"I'm sorry Sweetheart. I have some important matter to do later. Tatawagan ko si Mang Lando para siya na lang ang magsundo sayo." wika niya kaya hindi ko napigil ang pagsimangot ko.

"Saan ka pupunta?" bakas sa tinig ang irita na tanong ko.

"Malelate kasi ang Doctor na kapalitan ko ngayon dahil may emergency siya kaya hindi pa ako pwedeng umalis. I need to wait for him." sagot niya.

Ang inis na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nawala dahil sa paliwanang niya. I know he had an hectic schedule. Ang paghatid sundo niya sa akin ay kapritso ko lang na pinapaboran niya. Alam ko na pagod siya kapag sinusundo niya ako pero iyon na lang kasi ang nag iisang paraan para magkasama kami. He's busy with his residency at kapag hindi talaga kaya ng schedule niya ay kay Mang lando niya ako pinapasundo.

"Okay. See you later." ang sinagot ko na lang.

"See you baby. Enjoy." aniya bago ibinaba ang tawag.

"Ano? Are you in?" malawak ang ngiting tanong ni Airah kaya napangiti din ako ng malawak.

"Count me in!" masayang wika ko kaya natawa sila.

After ng klase namin ay dumiretso na kami sa Mall. At kagaya nga ng napag-usapan ay namili kami ng mga damit at make up. Pagkatapos naming mamili ay nag aya si Victoria sa Italian Resto kaya naman doon kami dumiretso.

Pagpasok namin ay iilan lang ang tao sa loob dahil maaga pa naman para sa dinner. Its a quiet place and it looks romantic. Iilan lang ang tao ngayon at halos couple ang mga nandito kaya siniko ko si Victoria.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceDär berättelser lever. Upptäck nu