Chapter 28

9K 250 28
                                    

WARNING: This chapter contain matured scenes thats not suitable for young readers. Read at your own risk.

Chapter 28

"Do you remember anything on your past, Xhia?" he asked that caught me off guard.

Otomatikong nanginig ang kamay ko at nabitawan ang hawak ko.

"H-Ha?" naiusal ko at mabilis na nag iwas ng tingin. Dinampot ko ang bread na nahulog sa sahig at muling umayos ng tayo.

"Do you remember anything?" ulit niya.

"N-No."sagot ko at akmang iiwas sa kanya pero hinawakan niya ang braso ko at muling isinandal sa sink.

"Bakit alam mo ang tungkol doon." kunot noong wika niya kaya napalunok ako at hinawakan ng mahigpit ang hawak ko.

"About what?" pagmamaang-maangan ko.

"My favorite."

"Y-Your Mom told me." sagot ko at pinilit na huwag kabahan but I'm too tense. I stutter.

Ilang sandali niya akong inarok ng tingin bago bitawan ang braso ko. He looked disappointed nang malaman na wala pa rin akong maalala.

"M-Magluluto na ako." wika ko kaya tumango siya ngunit sinundan niya ako ng tingin.

"Do you know how to cook?" tanong niya na sumandal sa may lutuan at tumingin sa akin.

"Y-Yeah. I learned from Nay Cora." Sagot ko kaya tumango-tango siya.

"You used to hate cooking." aniya kaya napasulyap ako sa kanya.

I remember. Madalas ay siya ang nagluluto ng mga kinakain ko noon. We used to have a cooking bonding. I am the assistant and he's the cooked. Napangiti ako nang maalala ko kung paano ako tumakbo palayo sa kalan kapag naggigisa na or nagpiprito. Tumatalsik kasi ang mantika.

"I guess I've changed. People changed." sagot ko bago muling balingan ang ginagawa ko.

"Five years. Did you have any relationship with those past years?" He asked out of nowhere. Natigilan ako pero muli ring nagpatuloy sa ginagawa ko.

I studied like a normal student in states. May mga kaibigan akong lalaki but I never had a relationship.

"I guess you have." aniya nang hindi ako nakasagot agad.

"Jax-."

"Just forget those relationship. Kung may naiwan ka mang boyfriend sa america ay kalimutan mo na. You're married to me Xhia." aniya na tila ba nagpapaalala.

Lihim akong napabuntong hininga at pinigil ang inis na umusbong sa dibdib ko. Ni hindi niya man lang ako pinasagot.

"How about you? Do you have any relationship right now?" tanong ko na pilit na nagtonong kaswal. Didnt mind to change his thoughts about me.

"You dont need to know." aniya kaya umusbong lalo ang inis sa dibdib ko.

"I am your wife, I need-."

"You are mine Xhia, but I'm not yours." aniya bago pabagsak na binitiwan ang hawak na baso.

Napayuko na lang ako habang pigil ang luhang gustong umalpas mula sa mga mata ko.

"You're unfair Jax." bulong ko. Pinunasan ko ang isang butil ng luha na bumagsak sa pisngi ko bago huminga ng malalim.

Pagkatapos kong magluto at maghain ay pinuntahan ko si Jax sa sala. He's on the phone so I stayed to where I am standing.

"Yes Doctor Cruz. I'll be there." wika niya na napalingon pa sa kinapupwestuhan ko. Otomatikong kumunot ang noo ko sa narinig kong pangalan.

Dr. Cruz. She's that woman in the restaurant.

Heartless Society 2: The Doctor's VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon