Chapter 24

185K 2.1K 227
                                    

Chapter 24

Tanya

"O my God! Girl what happened to you?!"

Naalimpungatan ako sa boses ni Charlie at para akong biglang hinugot sa wonderland.

"Gosh girl.... " Nagulat ako sa boses ko na parang galing sa malalim na balon.

"Ooooppppssss. Sorry.. akala ko gising ka na. " She said wisphering.

Talaga itong si Charlie kung minsan nagiging insensitive. Pero Ok lang. She's always here even at the first sign of trouble.

"Well ngayon.. gising na... Ginising mo ako e."

Huminga ako ng malalim at naginat. I feel so much better. Parang wala na akong lagnat. Ilang oras kaya ako nakatulog? Mabuti naman at hindi nang-istorbo ang mga nurse. I yawned... wow... ang sarap ng tulog ko. I feel so refreshed. Sabi ko na nga ba, pahinga lang ang katapat nito. Paranoid lang talaga si Ice.

"Tignan mo nga ako." Sabi ko kay Charlie. "May fever pa ba ako?"

Hinawakan nya ako sa noo.

"A bit, sinat na lang siguro. Ito ang magpapawal ang lagnat mo. I bought you something to eat!"

"Basta hindi mo luto, kakainin ko yan. " I teased.

"Hmmmp! Anong klaseng bestfriend ka!"

Natawa kaming dalawa.

Pinakita nya yung isang box ng pizza.

"Tada!!!! Your favorite pizza!!!"

"Wow. I've been craving for this! Thanks! the best ka talaga!"

Nag Indian sit ako sa kama at binuksan yung box.

"Ikaw na girl! Ikaw na talaga magtataboy sa mga virus ko!"

Natawa si Charlie.

"Ummmm. Girl... hindi mo ba aayain yung dalawang yun?"

Tinuro nya yung salas kung saan may natutulog na dalawang lalaki. Hala, may ibang tao pala dito. Side View lang ang nakikita ko sa kanila kaya hindi ko namukhaan kagad. Idagdag pa na madilim ang kwarto dahil nakababa lahat ng blinds. Ang alam ko yung isa si Ice, dahil sya yung nagdala sa kin dito kagabi. Pero yung isa.... Hala! Anong ginagawa nya dito!

"Si Drew ba yun?"

Natigilan si Charlie at napatingin sa akin.

"Drew? As in Andrew? Iba na pala ang tawag mo sa kanya?" She said teasingly... " Uyyyyy.. Ikaw a.. Term of endearment na ba yan?"

"Wenks! Endearment daw! Hindi nga, si Andrew nga ba yan? Hindi ko matandaan na pumunta sya dito kaninang madaling araw. "

"Si Andrew yan"

"Anong oras na ba girl?"

"It's 2pm already. Kaya nga ang ingay kong pumasok dito, pero puro tulog pala kayo."

"Hapon na pala. Kaya pala gutom na gutom na mga anaconda ko. Kaso kung gigisingin ko sila, uubusin lang nila itong pasalubong mo sa kin. " Feeling selfish ako ngayon, gutom e.

"Ang damot mo! Ang dami dami nyan!"

Lumapit kami sa kanila, dala-dala ko yung box ng pizza at nilagay ko sa center table.

Nilapitan ko si Ice at pinitik pitik yung ilong nya.

"Huy gising... " I whispered.

Ayaw hindi man lang kumibo.

"Ang lalim ng tulog girl! Kainin na natin to!"

"Wag kang madamot!"

"May sakit naman ako a. Saka sa akin mo naman talaga ibibigay ito, diba?"

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon