Chapter 31

189K 2.2K 331
                                    


Chapter 31

Tanya

"Girl wag mo namang  tuldukan iyan nararamdaman mo. Give him the benefit of the doubt. Hintayin mo syang makauwi and let him explain his actions." Sabi ni Charlie at sinesermonan pa ako! Ako! Ako pa ang sinermonan nya! Ang kitid daw ng utak ko! etc... etc... etc... Ano bang pinakain ni Andrew sa babeng ito at kamping-kampi sa kanya. A, oo nga pala, sya lang naman pala ang gumawa ng paraan para mapalapit si Charlie at si Zack noong panahon na nagkaproblema sila. Pero... hello! I'm the bestfriend here not him!

SUYA NAMAN!!!! Simangot to the max ang peg ko ngayon.

"He didn't mention that he's with Clarisse and he's meeting her PARENTS! Paki explaine nga ang meet the parents na yan? Namanhikan? Baka pag-uwi nya ng Pilipinas, bitbit na si Mrs. ANDREW FAJARDO!"

"Maybe he didn't mention it so you so will not get paranoid like what you're doing right now. "

"Sinong paranoid? HINDI AKO PARANOID!"

"Talaga lang a. Aabot na siguro ang boses mo sa susunod na kanto sa lakas! Hindi mo na nga kilangan ng boom mic."

As usual nandito na naman ako sa bahay nila Charlie at kahit malamig ay nag-trip kaming magswimming para lang matanggal ang init ng ulo ko. As if naman remedy yon. Pero kahit na, it's a good diversion until sinermonan ako ng nanay ko. Feeling nagging mother talaga itong si Charlie. kainis! Pero come to think of it, I never gave Andrew the chance to explain himself. Binago ko na kaagad ang number ko so that he can no longer reach me. Ilang beses din daw nagtatatawag si Andrew kay sa mag-asawa. At sabi ni Zack, he has never seen his bestfriend acting so desperate like that. Natatawa nga sya, sinapian na daw si Andrew.

"O sige." Sabi ni Charlie. "Just to take your mind off that guy, samahan mo na lang ako sa wedding mamaya. "

"I don't feel like socializing right now."

"C'mon girl. Samahan mo na ako. Batchmate ni Zack and Andrew sa Falcon University yung ikakasal at isa sya sa mga groom's men. Dapat nga si Andrew abay din, e kaso biglang nagpunta sa States. Sige na girl, wala akong kakilala doon. Para naman may kausap ako at hindi ako ma-out of place. "

"hmmmmmm...."

Pwede rin. Wala naman akong ibang gagawin. Ayoko namang magmukmok.

"Ok... sure. I might as well enjoy myself. Malay mo makakita ako doon ng kapalit ni Andrew. Balita ko, ang g-gwapo ng mga Falconians!"

Tinitigan ako ng masama ni Charlie... at umiling.

"That is so bad Tanya... very bad. "

"E ano ngayon kung bad, mas bad naman ang ginawa nya."

"Hmmmmp. Bahala ka na nga!"

Nag-da-drama na naman ito. Tinawanan ko na lang sya. Ang OA naman kasi e.

"Alika na nga. Sige na. Mag-be-behave na nga ako. Hindi na ako manlalalake!"

"BALIW! Let's go na nga!" Sabi ni Charlie na hinilang bigla ang kamay ko.

"Anong oras ba ang wedding na yan? Ang aga pa a."

"Syempre we have to buy our clothes and go to the salon."

"I think we're gonna be late if we're going to do all that. "

"Di rin, sa bilis mo mag drive, let's bring my Ferrari."

***

Power duo na naman kami ni Charlie, and Zack just don't know if he's going to be proud or embarrassed because of the attention we are getting.

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBWhere stories live. Discover now