Chapter 19

174K 1.8K 172
                                    


Chapter 19

Tanya

The sun is fast approaching and we are having a quick briefing with all the staff.

Ipinaliwanag ni Mother kung anong gusto nyang mangyari and as usual, her ideas are out of this world. Maybe that’s one of the reasons’ kung bakit nakikilala na sya ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang drama talaga nitong bading na to! Nakaka-challenge lagi ang gustong mangyari! Haaayyy nako! Mapipiga na naman ang powers ko nito.

"Anyway Tanya, I want you to meet Marco, your counterpart sa photo shoot. He's from Bellissima Magazine, and he came all the way from Milan for this shoot. Forte nya ang mga underwater shoots. Maybe you can learn something from him and vice versa. And Marco, this is my very talented and beautiful photographer Tanya. The one I was talking to you about."

"It's my pleasure to meet the famous Tanya Ramirez. I heard so much about you. Mother Reyna is all praises about you. I'm looking forward in working with you."

Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan..

Nanlaki mga mata ko.

Tradisyon ba nila yun?

Well, ok lang ang gwapo naman e. hihihihihi. Sige na nga lang. No need to have a violent reaction.

Bago kami magsimula ay tinignan ko ang mga models na magpaparticipate. Bongga talaga itong si Mother. Almost half ng models nya ay mga foreigners na ngayon. Hindi na talaga ma-reach!

Ang nagtataka ako ay kung bakit nandito pa rin ang pinaka Bitch na model ever. Ewan ko ba kung bakit always present itong babaeng ito. Napaka prima donna and unprofessional naman! Grrr! Mapapahamon na naman ba ako nito? Masisira na naman ba ang beauty ko?

Lumapit ako kay Mother.

"I thought you're ditching her? " I said

"Who? Nica?"

"Sino pa ba? "

"Pagpasensyahan mo na lang. I need her body for a certain outfit. Hayaan mo mag-hu-hunting na talaga ako ng katulad nya. Promise, last na to. Ok? Basta pakisamahan mo na lang. Kailangan din natin ang kasikatan nya for promotion. " she said to me sweetly na parang nang-aamo. Alam nya kasi na matagal na akong pissed off the babaeng iyon.

"Ano pa nga bang magagawa ko? haaayyy nako! "

"You're soooo sweet...."

"hmmmp! Kapag ako pumangit.. kasalanan mo to!"

"That will never happen sweetheart."

“One wrong move and I will kick her ass.”

“No you won’t”

“Just watch me.” Sinabi ko na lang sa magpagbirong tono.

Natawa na lang ako, pero kapag nagpaka-bitch si Nica, talagang sisipain ko sya. Subukan nya lang na ubusin ang pasensya ko katulad ng ginagawa nya sa mga nakaraang photo shoot.

Bago ko lumabas sa tent pinuntahan ko na muna sa Andrew, baka naiinip na sya. Mahirap na, baka magtantrums. When I got to where he is staying….low and behold!

Napapalibutan ng mga nagkikiligang mga babae!

And from the looks of it, enjoy na enjoy ang bwisit na yon!

GRRRRR.... Eto pa man din ako at nag-aalala baka naiinip!! GOSH!!! Why did I ever thought that he'll be bored! Siguro talagang gusto nyang makarating sa shoot para mambiktima!

Finding Mr Wrong [COMPLETE!!!]Soon to be published under LIBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon