SB 12

7 0 0
                                    


note: very lame chapter since I just came back from a long hiatus. also pls forgive me for my typographical errors and poor grammar. will do better next time.


"Sige na, Jade, pahingi na ako please!"


Halos lumuhod na si Ranz Miguel sa pagmamakaawa na bigyan namin s'ya ng isang shot nitong gin halo na iniinom namin ngayon ni Nicole dito sa unit. Ang gaga kasi, umuwing may dalang inumin at pulutan gawa ng kailangan daw namin iyon para makapag-cope sa pag-alis ni Gin.


Yup, gin for Gin. How brilliant.


"Alam mo ikaw, may sakit ka pa. Hindi pa 'to pwede sa'yo," saway ko kay Ranz.


"Ano ako, bata?" pagmamaktol n'ya.


"More like... baby," I said, smirking.


"Baby mo."


"Yeah whatever," he hugged my waist and kissed my forehead habang patawa tawa.


Kilig na kilig ampota.


"Luh, korni n'yo," singit ni Nicole sa pagmo-moment namin. "Kayo na ba?"


We refused to answer. Nagtinginan lang kami at tumawa.


"Ano nga?!" Nicole asked in frustration. Halatang gusto makasagap ng tsaa.


"Oo," si Ranz ang sumagot.


"Oo?" Nicole questioned.


"Oo," sabi ko para lang matapos na.


Anyway though, it's been two months since I met him. Mabilis ba for us to say na kami na? Siguro. Pero ayaw ko na kasi ng tanong. Ayaw ko na ring pag-usapan in long romantic details. Basta 'yun yung nararamdaman ko.


Komportable ako sa kanya at hindi ko s'ya kayang tiisin. 'Yun ang nararamdaman ko, final answer.


More than that, I think we are in the same phase naman. Nung nagkatinginan palang kami pagkatapos magtanong ni Nics, alam ko na agad na parehas ng gustong sabihin ang mga mata namin. And at this point, it's hard to still deny.


"Mabuti naman, akala ko open for fubu na 'tong baklang 'to eh." ani Nicole.


Natigilan si Ranz at napatingin, "w-wait... Bakla ka?"


Sinamaan ko s'ya ng tingin. Bobong 'to.


"Shet Jade, bakit naman kailangan mong mag-sinungaling eh hindi naman ako bumabase sa kasaria--- aww!" bago pa n'ya matapos ang sasabihin ay kinurot ko na s'ya sa braso.


Hindi naman insulto ang mapagkamalang bakla pero gago ba s'ya? Nakapasok na't lahat sa kweba ko, nagawa pang magduda. Lakas ng amats talaga, partida hindi pa nakainom 'yan. Leche.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sea BridgeWhere stories live. Discover now