SB 2

36 0 1
                                    

"Tangina, manyakol ba talaga 'to?" nawindang talaga ako sa nabasa kong reply. Alam mo 'yung mga lalaking squammy na mahilig magpa-send ng nude photos at makipag-sex on phone? Gan'on pala 'to?!


jadearvelle_: you know what, i'll just send you money through gcash or paymaya, basta paki-send na.


ranzerrano: Hindi naman pera ang hinihingi.


Jusko, ano ba 'to. May ransom talaga 'yung simpleng picture na 'yon?


jadearvelle_: manyak! ipo-post kita sa facebook!


ranzerrano: Hahaha! Hindi mo kaya.


jadearvelle_: nevermind. iyo na 'yang picture na 'yan saksak mo sa baga mo. manyakol.


Siguro naman hindi ko lang isang beses na makikita si Johnoy Danao. Future gigs o kaya sa conspi? Nakakapanghinayang lang talaga pero 'di bale. Kaysa naman mag-send ako ng nudes dito sa manyakol na militar na 'to. Hindi na lang. Nakakasira s'ya ng araw.


Maya maya ay nakita kong nag-post ng instagram story itong si militar. Picture nila ni sir Johnoy kagabi. Nang-iinis pa si tanga. Yamot na yamot kong nilabas ang canvas ko at gumawa nalang ng plates. Ayokong ipakita sa kanyang desperada ako sa picture na 'yon. Bwisit s'ya.


ranzerrano: Sige na nga, ma'am, selfie nalang.


Aanhin ba nitong militar na 'to ang picture ko? Ibebenta ba ko sa mga kasama n'ya sa kampo o ano?


Napahinto ako sa pag-draft ng plate ko nang mabasa ko ang message n'ya. Iniisip kong mabuti kung anong irereply ko sa kanya.


jadearvelle_: crush mo ba ko?


ranzerrano: Medyo ang hangin no, nararamdaman ko rito.


jadearvelle_: eh aanhin mo ba kasi pic ko?


ranzerrano: Ipapa-kulam.


jadearvelle_: ah ga-gayumahin mo ko?


ranzerrano: Ang gayuma, yung mga pinaiinom. Aanhin ko naman picture mo kung gagayumahin kita.


jadearvelle_: tangina send mo na kase.


ranzerrano: Walang murahan, ma'am.


jadearvelle_: alangan namang magmahalan tayo?


ranzerrano: Pwede naman?


jadearvelle_: tangina mo


ranzerrano: Ayan ka na naman.


jadearvelle_: ayaw pa kasi i-send ampota

Sea BridgeWhere stories live. Discover now