Chapter 19 "say YES say YES"

634 12 8
                                    

Chapter 19

"say YES say YES"

Anton's POV

Ang sarap sa pakiramdam na kilala na ko ng family nya at muka namang tanggap nila ko. Plano ko nading dalin si Yana sa bahay kapag natapos ko na ang tambak ng trabaho. Madami kasi akong na cancel na appointments this month para sa mga surprise ko kay YANA. Kaya dapat ko ng ayusin lahat bago pa malaman ni LOLO na napapabayaan ko na ang trabaho. Baka kung sino pa ang sisihin nya sa mga pinag gagawa ko.

Buong araw ako sa opisina at ni hindi ko manlang maitext si Yana, hindi ko kasi mabitawan ang isang bungkos ng papel sa mesa ko na dapat kong matapos ngayong araw na to.

*knock* *knock*

napalingon ako sa pinto ng pumasok ang secretary ko.

"Sir coffee nyo po"

"8pm na ha, bakit nandito kapa?"

"AH- Naisip ko lang po na mag overtime, kasi wala na po kayong makakasama dito."

"Ok lang naman yun Ella, may guard naman sa baba"

"Pero wala pong magtitimpla ng kape nyo, tsaka Sir trabaho ko naman to"

Hindi na ko nag salita at humigop nalang ng kape.

"Sir tawagin nyo nalang po ako sa labas kung may kailangan pa po kayo"

"No, stay here. Wala ng tao sa labas.Paki ayos nalang yung mga papers ko dito."

"Ok po Sir."

--

Mabilis akong natapos sa tulong nadin ni Ella.

Sabay na kaming lumabas ng opisina at pinigilan ko syang pumara ng taxi, dahil naisip kong ihatid nalang sya para nadin makabawi ako sa naitulong nya.

"Ihahatid na kita"

"Pero Sir-"

"Tara na"

kunwari pa tong babaeng to e- alam ko namang pangarap nya to HAHAHA.

Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at pinapasok ko sya, agad nadin akong sumakay at umalis na kami ng opisina.

Masyadong tahimik sa sasakyan dahil hindi naman talaga kami madalas mag usap lalo na kung hindi tungkol sa trabaho.

--

"Sir dito nalang po ako. Salamat po, at ingat sa pag-uwi"

"6O Seconds I Fell In Love"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon