Chapter 8 "CAMPUS CRUSH"

598 12 0
                                    

CHAPTER 8

“CAMPUS CRUSH”

 

Ella’s POV

Nagising ako ng yumugyog ang kama. Gosh! Tumabi sya?

Hindi ako nagpahalata baka kasi umalis sya. Nagtulug-tulugan ako ng ilang minuto, at nang masigurado ko na tulog na tulog na sya ay bumangon ako ng dahan-dahan.

KINIKILIG ako sa sitwasyon namin ngayon. Lumapit ako sa buhok nya at inamoy ko ito.

Ang bango Gosh! Ang swerte ko naman at nakatabi ko sya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa table at bumalik sa tabi nya, inalis ko ang sounds ng camera at nag take ng picture na kasama sya.

Woooooooooooooooooooo! I’m the luckiest soul in the universe. ^__________^

Wala syang alam sa mga ginagawa ko. Napakadami kong nakuhang picture naming dalawa. Gusto ko lang din malaman nyo na naka sando lang sya ^___^ Ang abs dyusko po ! Ang sarap yakapin.

“umhm- mm” 

Kinabahan ako ng bumiling sya ‘o‘

nagmamadali akong pumikit at lumayo ng konti sakanya.

“ya-na”

Narinig ko ng buo ang pangalan na binigkas nya.

“YANA!? Sino sya?”

Hindi ako pinatulog ng isang salitang yon! Tila may mas swerte pa sakin ngayon. Ang bigkasin ang pangalan mo ng isang lalaki habang natutulog sya ay patunay lamang na IKAW ang laman ng isip nya sa buong araw kaya hanggang sa panaginip ay nababanggit ka nya.

Ang swerte mo naman YANA! Sino ka?

Wala naman syang GIRLFRIEND ha.

Magsisisi ka pag nakilala kita.

Dahil gagawin ko ang lahat para mawala ka sa Puso't isip ni ANTON.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at naramdaman ang daloy ng luha mula rito. Hindi naman ito ang unang beses na umiyak ako dahil sakanya. Marami na.

MAHAL ko sya nuon pa. 1styr college ako ng una ko syang makita/makilala/hinangaan. 

#FLASHBACK 

Umattend ako ng party sa school ng cousin ko at dun ko sya unang nasilayan. Tinakas kasi ako ng pinsan ko dahil bawal talaga ang outsider sa party. Para-paraan kami para makalusot.

Noong una’y hindi ako naniniwala sa mga kwento ng pinsan ko tungkol sakanya, na GWAPO sya, na TALENTED, na MATALINO, na SIKAT at hinahangaan ng lahat. Pero sa pagkakataong makapunta ko sa School nila ay nawala lahat ng pagdududa ko. Dahil hindi pa man sya natatagpuan ng mga mata ko sa unang tungtong ng aking mga paa sa University nila ay naririnig ko na ang pangalan nya sa bawat sulok ng campus.

"6O Seconds I Fell In Love"Where stories live. Discover now