Chapter 06: Captured and Code

586 32 15
                                    

WENDY

ZEN IS in trouble. He must've chased after the phantom thief. He's a lunatic freak! I wanted to crush his skull into pieces! Have they gone to the police? How safe are they?

"We should call Skye right away. Nakaregister naman siguro ang number niya rito," Kentonni said while swiping at Zen's screen. Samantalang ako, sinusubukan kong tingnan ang buong cabin para makahanap ng clue kung nasaan sina Zen at Mr. George.

Nabasag ang katahimikan nang magring ang smartphone ni Zen. Lumapit ako sa kanya, "Is that Skye?"

"I don't know. Hindi ko pa nahahanap number niya."

Unregistered number ang tumatawag.Nagkatinginan muna kami ni Kentonni bago sagutin iyon. Sa bandang huli, sinagot naman ni Kentonni ang tawag at pinindot ang loud speaker button para marinig naming dalawa.

"Hello?"

"Hello, kids! Finally! Sinagot n'yo na rin ang tawag ko." Isang pamilyar na boses ang bumungad sa amin. Nagkatinginan ulit kami ni Ken na may parehong nagtatakang reaksyon.

"Pasensya na po, pero wala po si Zen at naiwan sa 'min ang phone niya," sagot ng kasama ko.

"Ah, ayon nga ang nangyari. May I know kung kumpleto kayo diyan?"

"Po?"

"Kumpleto ba kayong apat? Nandiyan ba si Skye, Sophie, Ken at—" Narinig naming inilayo muna ng tao sa kabilang linya ang bibig niya sa speaker. "Sino nga ulit 'yung isa?...."

Pagkatapos, narinig namin ang boses ni Zen. "Wendy!"

"Zen!" sabay naming sigaw ni Kentonni.

"Whatever. So kumpleto nga ba kayo?"

"Wala si Skye at Sophie. Kami lang ni Wendy. And this is Mr. George Dalida speaking, right?" tanong ni Kentonni at naniningkit ang mga mata.

George? Oh! Kaya pala pamilyar ang boses niya. Damn, why can't I distinguish a simple voice such as that?

"Hahaha! Zen caught me! So in-abduct ko siya."

"What?!"

"Gusto ko munang makipaglaro sa inyong mga little detectives. Nang pumunta kayo sa cabin kanina para kunin ang listahan ng member ng Crepe's team, naghinala agad ako. And then I saw Zen. Wanna know his little secret?~"

Halos lumuwa na ang mata ko sa sobrang gulat. Alam niya kaya ang identity ng phantom detective? Iyon ba ang dahilan kung kaya nanakaw niya ang phantom paper mula kay Zen kahapon and posed himself as the phantom detective?

"I'm not interested in anyone's secret. Please, bring Zen back here safely," sagot naman ni Ken at kinagat ang lower lip niya.

What do we do? What should we do? Right. Don't panic.

"If you manage to find our location within the supposal time, I'll bring your friend's whole body back."

Friend. Friend? Not really. We're only acquainted and decided to follow Zen to catch a thief. And we never expected that it would turn out like this. I feel remorseful for my past careless actions. I should've not dragged into this. However, my complaints will only fall into deaf ears now that it happened.

"Hindi lang ho si Zen. Pati na rin ang pendant ng tito ko," mariing wika ni Ken."Nakakapanghinayang lang. Ikaw pa naman ang tinuturing ilaw dito sa Ranshin, phantom detective. 'Tapos magnanakaw ka lang pala—"

The Phantom Detective ✓Where stories live. Discover now