Chapter 9

586 33 9
                                    



Jordan's POV

"Do whatever you can to get my wife out of that fvcking house do you understand me!?"


"Yes, boss!"


"Ano pang tinutunganga niyo? Kilos!" Napahilamos ako sa mukha ko na may kasama pang pagbuntong-hininga. Kanina pa ako nag-aalala sa kung ano ng nangyari sa asawa ko.

Palabas na siya nun. She was one step closer out of that fvcking room but then the floor that she was stepping at, suddenly opened. Nahulog siya, I was holding my daughter kaya hindi ko nagawang hawakan ang kamay niya to prevent her falling from that fvcking hole.

"Daddy.... Where's mommy?" Paiyak na tanong ng anak ko. She was sitting on the side of my car's back seat with the door open. Pinaubaya ko na sa mga tauhan ko ang paghahanap sa asawa ko so that I can take care of my daughter. By the looks of her, she's scared. She saw what happened to her mother.

Nilapitan ko siya at lumuhod sa harap niya para makalevel ko. I reached for her cheek then gently wiped her tears away.

"Mommy's just inside the house. She'll come out real soon." Then I quickly pulled her for a hug when she was about to cry.

"Mommy is alright, daddy right?" Humahagulgol na tanong ng anak ko habang nakayakap sa leeg ko.

"Yes, baby. Mommy's alright."

Makakapatay ako kapag may nangyaring masama sa asawa ko.


Makalipas ang ilang minuto, bumalik ang dalawa kong tauhan. Buhat-buhat ng isa kong tauhan si Ingrid. Walang malay.


Nakatulog na si Lauren sa bisig ko sa kakaiyak kaya dahan-dahan kong pinahiga muna siya sa backseat ng kotse ko bago nilapitan ang tauhan ko at kinuha mula sa kanya ang asawa kong walang malay.


"What happened to her?" Kunot-noo kong tanong.


"Natagpuan nalang namin si Lady Ingrid sa basement ng bahay ng walang malay. Hinalughog na rin po namin ang buong bahay pero wala pong tao aside from your wife, boss."


Tumango lang ako saka pinaalis na sila sa harap ko. I then looked at my wife who's peacefully asleep in my arms. Thanks god wala siyang kahit anong galos. Pagkatapos, dahan-dahan ko siyang pinasakay sa shotgun seat ng kotse ko, slightly reclined the seat then wore her seatbelt. I did the same to my daughter before leaving that goddamned place.


Ingrid's POV


Pagmulat ng mga mata ko, yung kisame agad ng kwarto namin ni Jordan ang bumungad saakin. I tried to move pero may nakahawak sa kanan kong kamay.


When I looked at my left, I saw Jordan sitting on the side of our bed, holding my hand habang patagilid na nakapatong ang ulo sa gilid ng kama, sleeping.


I tried my best not to wake him up pero bigo ako. I saw him opened his eyes at pagtingin niya saakin, he immediately pulled me for a hug. A very tight hug.


"You made me worry, babygirl." He whispered. Kumalas siya mula sa pagkakayakap saakin saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. "You were asleep for three days. How are you feeling?"


Conquering OASISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon