Chapter 3

2.6K 83 19
                                    


Ingrid's POV

Today's Lauren's seventh birthday. Andami naming kailangan aasikasuhin ni Jordan pero lahat ng iyon ay isinantabi muna namin just to give our daughter a grand birthday party na matagal na namin pinagplanuhan.

"Babygirl." I saw Jordan who just entered my office. He looked so stressed. Anyare sa kanya? "Babygirl, si Lauren." Nag-aalala niyang sabi. Agad kong nabitawan yung ballpen na hawak ko saka napatayo.

"Anong nangyari sa anak ko?"

"Kalma, baby. Si Lauren kasi..."

"Tell me, Jordan. Anong nangyari kay Lauren!?" I said, hysterically. "Asan siya? May nangyari bang masama sa kanya?" Tanong ko pa. Why can't he just tell me straight to the point! Kinakabahan na ako sa gustong sabihin ni Jordan.

Simula nung makausap namin si Headmaster Z and the same day na nakareceive kami ng message from "L" ay napansin kong ang dali ko na maparanoid specially to our daughter. Hindi ko lang siya mahanap, inaakyat na ako ng kaba. We became very cautious na rin since then lalong-lalo na't hindi namin kilala kung sino nanaman ang kalaban namin.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng asawa ko. "Si Lauren kasi nagtatampo. Ayaw niya yung giant minnie mouse na cake na pinagawa natin for her party." Tangina. Akala ko kung ano na. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig. Akala ko may kung ano ng nangyari sa anak namin. Pero teka, ayaw niya? Ayaw niya!?

"Diba sabi mo yun ang gusto niya?" Nakakunot na yung noo ko. Bakit ngayon pa aayaw yung anak ko na yun kung kelan mismong araw na ng kaarawan niya? May pinagmanahan nga naman ng ugali sa ama.

"Yeah. Kaso ewan ko dun sa batang yun, bigla nalang nagbago ang isip. Gusto niya giant blueberry pancake ang cake niya sa birthday party mamaya." Napasapo ako sa noo ko. Ang batang yun talaga oo. Sa dinami-dami ng pwedeng manahin na ugali sa ama niya, yung kaartehan pa talaga ng ama niya. "Talk to her, babygirl. Baka sayo makinig si Lauren." Aniya pa. His voice were hopeless now.

"Hayan kasi. Masyado mo ini-spoil eh. Asan ba siya?"


"Nanisi pa nga." Bulong niya. Narinig ko yun! "She's in her room." Aniya. Huminga muna ulit ako ng malalim bago tuluyang iniwan ang desk ko para puntahan sa kanyang kwarto ng anak ko.

"Have you talked to Alex?" He suddenly asked. Saakin niya kasi inasa yung pagtrack ng sender ng message na yun sa phone namin and Alex is the only person I can count on regarding this matter.

"Yeah. I already contact him regarding what happened." Sagot ko naman.

Pagkarating naming dalawa sa kwarto ni Lauren ay tumambad sa paningin ko ang napaka gulo niyang kwarto. Her toys were everywhere! Her coloring books, crayons and other drawing materials were all scattered on the floor. Napasapo tuloy ako sa noo. Bigla akong naistress lalo.

"May pinagmanahan nga naman ng ugali sa ina." Nakangising sabi saakin ng magaling kong asawa na nakahalukipkip at patagilid na nakasandal ngayon sa doorframe. Inirapan ko lang siya.

Nilapitan ko si Lauren who's lying on her bed, nakatakip ng kumot ang kanyang buong katawan.

"Baby, mommy's here." Malambing na sabi ko sa anak namin pero hindi man lang kumibo.

Conquering OASISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon