25. The rookies

16.5K 1K 200
                                    

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa dokumento na hawak-hawak ko. Pabalik-balik ang tingin ko rito at kay Zel.

"Law! Law! Tignan mo," natatawang sambit ni Zel habang pinapalutang ang tatlong barya. Tuwang-tuwa ito sa ginagawa niya.

Pinagkakaabalahan niya ngayon ang mga lumang barya.

Muli kong binasa ang nakasulat sa dokumento para malaman kung namalikmata lang ba 'ko sa unang basa ko.

Zel's IQ is 200.

Freaking 200.

Napabuntong-hininga ako nang tignan ko ulit si Zel na subo-subo naman ngayon ang barya. Minsan napapaisip ako na swerte pa pala ako kahit pa paano.

"Helena!" Rinig kong tawag sa akin ni Gin. Tumakbo ito papunta sa akin at pumwesto sa tabi ko.

Kapwa ko ay tinignan niya rin ang dalawang bagong myembro ng Guild niya.

"Who would thought na sabay silang papasok sa Academy at parehong makakapasok sa Grim Reapers?" walang gana kong sambit.

Tawa ang sinagot sa akin ni Gin nang makita niya ang ekspresyon ko.

Walang ekspresyon akong nakatingin sa dalawa nang may biglang may kumalabit sa akin. Halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa akin ang mukha ni Cora.

"Tsk! Ano ba 'yan, Cora!" inis na sambit ko.

Mabilis itong yumuko sa akin. "S-S-Sorry p-po Principal. G-G-Gusto ko l-lang pong magp-paalam," sagot niya.

Natigilan ako. Hindi kaagad ako nakasagot.

Cora's going to retire as my secretary. Nagpaalam ito sa akin no'ng nakaraan na balak na niyang mamuhay ng normal kasama ang asawa niya. She's going to cut her ties to the Gifteds and live a peaceful life.

"T-Thank you for everything, Principal Helena," muling sambit ni Cora. Ang unang pangungusap niya na hindi siya nabulol.

Nakaramdam ako ng kaunting lungkot, pero pinilit kong ngumiti.

Another person will leave me again.

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo Cora. Thank you for everything. Thank you for staying with me for a long time," nakangiting sagot ko.

She smiled, a warm and soft one. Akala ko ay tuluyan na siyang aalis sa harapan ko nang may pahabol pa siyang sinabi.

"A-Ah d-d-darating p-po bukas 'yong p-papalit sa a-akin," aniya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "H-Huh? I told you na hindi ko na kailangan pa ng bago."

Umiling ang babaeng kaharap ko. "N-No. I-Iyon n-n-na lamang po ang m-magagawa k-ko. T-Tho, i-isa pa r-rin siyang estudyante, s-s-sigurado akong m-malaki ang m-maitutulong n-niya s-s-sa inyo."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"S-She's a d-daughter of a-a-a friend o-of m-mine."

"H-Her n-name is August."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Kinabukasan ay sumalubong sa akin ang mga mukha ng mga myembro ng Grim Reapers.

Gin casually walked inside my office. Lemon was holding her cat and a cake on her other hand. Elroy was playing games as usual. And Zel's with Law laughing at something. Something stupid, I guess.

Napaismid ako at lumapit sa dalawa. "Brats. Anong ginagawa niyo rito?" kalmado ngunit iritadong sambit ko.

Natawa si Zel. "Come on Principal. Sinundan lang namin si Gin," kaswal na sagot niya. Inilibot niya ang tingin sa silid.

The Forgotten Queen: The Cursed GiftedWhere stories live. Discover now