Chapter 9

5.3K 376 50
                                    

Jealousy

Lumabi ako para itago ang malaking ngiti. Tinaasan niya ako ng kilay dahil sa reaksyon ko. I shook my head and looked away.

Dinama ko ang hangin at pinakiramdaman ang labis na saya sa dibdib ko. This is a very happy day. Although I got wounds and bruise, the happiness is overpowering. At ito ang pipiliin ko na alalahanin sa araw na 'to.

"Na-miss mo ba ako?" Pagbasag ko sa payapang katahimikan.

Nilingon ko siya at naabutan ko na nakatitig pa rin pala sa akin. Napangisi ako sa naisip. This man looks so attracted to me. Kahit parang imposible dahil sa crush niya noon na masyadong mataas ang level kumpara sa akin. Okay lang ba na i-claim ko na?

"Hmm... nope." He flashed his devilish smirk.

Bago pa ako mahipnotismo sa napakagwapo niyang mukha ay nakaramdam na ako ng inis. Sinimangutan ko siya.

"Aba't, ako ba ay pinagloloko mo? You like me too, so for sure na-miss mo ako!" I exclaimed.

He shrugged with a ghost of smile on his lips. Magsasalita pa sana ako ngunit binunot niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa. He read something from it with a very serious expression. And I just watched his face and every detail of it. Sumulyap siya sa akin at naabutan ko siyang nakangiti.

"Ngiting-ngiti, ah? Ka-text mo si Juno, 'no?" I faked a smile because I don't want to look like a nagging girlfriend.

He raised his brow and I saw how he stopped his boyish grin by biting his lower lip. "How did you know?"

My smile fell. Napasimangot ako at pinagkrus ang braso. Kasasabi niya lang na hindi niya na gusto si Juno pero bakit naman ako kinakabahan kung magka-text sila? Brace yourself, Salacia. May sarili kang ganda at hindi dapat ma-insecure!

"Kidding aside. It is not Juno. Matagal na kaming walang communication. And I am not really a type of man who likes texting so... we never texted or called each other. I only use my phone for my family and work related stuffs."

Tumaas ang kilay ko at tinitigan siya sa mata.

He nodded like he's convincing me that he is saying the truth.

I smirked. "Okay. Ang haba naman ng paliwanag mo. Pero sabi mo 'di ka gano'ng type ng lalake, na pala-text kaya never kayo naging textmate? I doubt it. Baka ikaw ang hindi niya type?" I said with a sarcastic tone.

Napahalakhak ako nang makita ang saglit na paniningkit ng kaniyang mga mata na parang nainsulto siya pero hindi na kumibo. I laughed loudly in front of him when I realized his hopeless crush on that girl.

Kawawa naman!

"Huwag ka na mag-alala, ngayon naman, gusto ka na rin ng crush mo." Nginisihan ko siya habang bored ang ekspresyon na pinapakita niya. "At siyempre ako 'yung crush mo."

He eyed me sarcastically. Ako naman ay tinawanan pa siya nang maisip ang dati niyang kabaliwan, na may album pa ng crush niya sa gallery.

"Ako naman ang gawan mo ng album, ha? Dali, take a picture of me secretly, like you are some kind of creepy stalker!" I teased.

His face reddened in embarrassment. "I never took pictures like that! Ang mga picture niya noon na meron ako ay may permiso sa pagkuha!"

"Aysus, sige na! Go! Huwag ka na mahiya sa akin. Tapos bago ka matulog tignan mo ang pictures ko para­—"

"Salacia, I am not a fucking pervert!" he shouted with his face turning red.

Humagalpak ako habang pinagmamasdan ang pikon na pikon niyang mukha. Oh, the very formal and stiff man like him is looking so annoyed and embarrassed now!

Lord Series #2: DrownedWhere stories live. Discover now