Chapter 15

4.7K 341 54
                                    

Surprise

Hindi mawala ang ngiti ko habang naglalakad kami palabas. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. I bit my lips that feel numb and thick this moment. Siyempre, nilaplap ba naman ako nang malala ni Poseidon!

Grabe, ang hot ng kiss namin. First time ko pero natuto agad ako. Napalaban ako nang malala ro'n, ah?

"Ang bilis naman, Atlas. Nakakahiya ka!" saad ni Colt na siyang unang nakakita sa amin.

Lumaki ang ngiti ko samantalang si Poypoy ay sinamaan siya ng tingin. Ang iba ay nakangiti rin sa amin at nanunudyo ang titig. Feeling ko ang iniisip nila ay nag-sex kami kahit kiss lang naman talaga ang naganap.

Hays. How I wish!

Binigyan kami ng upuan at siyempre magkatabi kami. Nagsindi sila ng candle at nilagay sa cake tapos kumanta kami ng pagbati para kay Poypoy. He closed his eyes and mumbled his wish before he blew the candle.

Poseidon put food on my paper plate before he got something for himself. May bonfire din silang ginawa, ilang hakbang ang layo mula sa mesa.

Ang masasayang kwentuhan, mga halakhak, tunog ng nasusunog na mga dahon at kahoy, at ang hampas ng alon sa dalampasigan sa likod ng site ang siyang pumainlang sa gabing iyon. It is just so peaceful and happy.

After eating, nagbukas na sila ng mga beer para sa inuman. Tinanggihan ko ang inabot ni Colt sa akin katulad ng ginawa ni Poseidon nang siya ang akitin na uminom.

Sinulyapan ko si Poypoy sa tabi ko. He is just silent and smiling. He looks genuinely happy even with this simple celebration. When our eyes met, his smile faded and his eyes focused on me. Inangat niya ang kamay at hinaplos ang nanlalamig kong pisngi. Saglit akong napapikit sa init at ginhawa na dala noon.

"Bakit ayaw mong uminom?" tanong ko nang magmulat.

Maingay ang paligid dahil sa tawanan at kwentuhan ng mga nagtatrabaho sa site, kasama ang mga kaibigan ni Poseidon na sina Colt.

He shook his head without tearing our eye contact. "Ihahatid pa kita."

My eyes widened a bit. "Uminom ka, kahit kaunti para mas ma-enjoy mo! Sure naman ako na kaya mo pa mag-drive later or pwede naman ako mag-tricycle," sagot ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang umiling habang nakatitig pa rin sa akin.

"I am already enjoying it to the fullest. You're here..." he uttered slowly.

I felt my cheeks heated. Napahagikhik ako habang nakatitig sa kaniya. Marahan niya ulit na hinaplos ang mukha ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa likod ng aking tenga. The touch of his fingers are so gentle like I am something delicate.

"You look so beautiful every seconds."

Hinampas ko siya nang hindi na mapigilan ang kilig.

"Poypoy, enebe!" I giggled.

He smiled for a second then he pulled me closer to him. Inakbayan niya ako at isinandal palapit sa kaniya. I felt him kissed my forehead gently. Sinakop ako ng init ng katawan niya at naging proteksyon ko 'yon sa malamig na hangin sa mga oras na 'yon.

Nang medyo lumalim na ang gabi ay mas lalo pang tumindi ang kasiyahan. Ang ilan ay naggigitara na habang sumasayaw ang iba sa saliw nito.

Iba ang dating sa akin ng imahe na nakikita ko.

Nakapalibot sila sa bonfire at nagkakasiyahan sa simpleng paraan. The light from the fire illuminated their happy faces perfectly.

Hindi ko 'to malilimutan. Isa sa mga pinakamagandang gabi sa buhay ko.

Lord Series #2: DrownedWhere stories live. Discover now