Chapter 2

6.7K 440 145
                                    

Knight

I was happy for the rest of the night with that small encounter. Ang dami agad pumasok sa isip ko. Saan nga ba sila nagtatrabaho? Sta. Monica? Hmm, isang sakay lang ng tricycle ang papunta roon. Bisitahin ko kaya siya palagi?

"Uy, sino 'yon, ha?" nakangisi na tanong sa akin ni Diana Rose paglapit ko sa table nila.

I smirked. "Poseidon. Isa 'yon sa nagtatrabaho do'n sa may pier sa kabilang barangay," saad ko.

She poked my waist with a grin on her lips. Napailing-iling ako dahil alam ko na ang naiisip niya.

"Ano? Hindi ka na kailangan ni Kapitana ro'n?"

Umiling ako. "Malamang hindi na. Nandiyan na mga alipores niya."

Ang iba naming kasama sa table ay panay ang pagtukso sa akin. Ako naman ay kinikilig lang lalo na kapag naaaalala ko ang mukha ni Poseidon. Nilingon ko ang table nila at napangiti nang makita na nagkakasiyahan ang mga kasama niya, samantalang siya ay tahimik lang at pormal na nakaupo habang hawak ang isang bote ng beer.

A built blocked my view. I looked up and saw Luigi. Malamig ang titig niya sa akin. Ngumiti ako.

"Ano? Sayaw na tayo?" tanong ko.

Gumalaw ang panga niya na tila nagtitimpi. Kumunot ang noo ko nang makita ang galit sa mukha niya.

"Ano? Sino 'yon? Customer mo ngayong gabi?"

I chuckled. "What?"

"Dahil mukha bang mayaman at galing sa Maynila, game ka na sa kaniya? Ano, Salacia? Iaalay mo ang sarili mo para sa desperasyon mong 'yan? Ang daming nakakita sa kalandian mo, ano ang iisipin nila sayo?"

"Luigi!" Diana Rose shouted.

Natahimik ang ibang nasa table namin. Natawa ako at umiling.

"Ewan ko sayo, Luigi. Kung anu-anong sinasabi mo!" I laughed again and hit him on his arm jokingly.

Hinuli niya ang palapulsuhan ko at mahigpit na hinawakan iyon. Natigil ako sa pagtawa ngunit nanatili ang ngiti ko.

"Luigi, ano ba? Bitawan mo nga si Goddess!" mariin na saad ni Diana Rose. Her voice is raising, desperate to be heard amidst the loud music.

"Hindi kasi nakatutuwa! Lumapit siya roon at kitang-kita nang marami kung paano niya nilandi ang dayuhan na 'yon. Tapos sabi mo pa na first dance tayo sa gabing 'to!"

Mula sa kaniya ay inilipat ko ang tingin sa beer na nasa harap ko. Kinuha ko 'yon at agad na tinungga. Binawi ko mula sa hawak niya ang aking palapulsuhan. Napangiti ako matapos inumin 'yon at malasahan ang alak. Nilingon ko muli si Luigi.

"Bakit ba galit na galit ka?" tanong ko muli.

He looks fuming mad. Mukhang gusto niya ako sigawan pero pinili niya na iwan ang lugar na 'yon. Mabibigat ang yabag niya paalis. Natawa ako at nahagip ng tingin ang table ng mga dayo. In a split second, I saw Poseidon looking at me. Pero hindi ko rin sigurado dahil nang mag-focus ang paningin ko ay nakatalikod naman siya sa gawi ko. Baka assuming nga lang ako.

But anyway, I really like him.

"Salacia, pasensya ka na sa pinsan ko..." nahihiyang saad ni Diana Rose.

I glanced at her. She looks apologetic. Ang ibang nasa table ay tahimik at ang iba ay nagbubulungan. Tumaas ang kilay ko at napailing.

"Wala 'yon," I uttered and smirked.

Uminom muli ako ng beer at bumuntong-hininga. His words did not affect me. I am not expecting to be respected anymore. Sa pamilya ko nga ay hindi ko 'yon naranasan, bakit ko pa aasahan na matanggap 'yon sa mga hindi ko naman kadugo?

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon