Chapter 6: Seen.

725 25 3
                                    

Chapter 6. Seen.

“Aba, Dana Antonia, wala ka bang balak bumaba ng sasakyan?” Bumalik lang ako sa sarili ko nang pagbuksan na ko ng pinto ni Fran. Nagtataka pa rin kung bakit doon pa rin naka-park ang kotse ko.

Hinila ako ni Fran papunta sa lobby. Pasakay na kami ng elevator nang makitang papalapit din si Ethan at ang mga bodyguards niya. Mabilis kaming pumasok ni Fran. Siniksik ko agad siya sa gilid. Hahampasin pa sana ako nang maiwan sa ere ang kamay niya. Pumasok din sa loob ng elevator sina Ethan pero ni hindi niya ko tinapunan ng tingin. Pinindot ng isa sa mga bodyguards niya ang pinakamataas na floor.

“Uh…” Napatingin sa’kin ang body guard ni Ethan. “15th floor. Thanks.” Ngumiti pa ko sa kanya.

Narinig ko agad ang bulong sa’kin ni Fran.

“Bakit di nalang ikaw ang pumindot?”

“Malayo!”

Tumahimik na kaming dalawa sa loob. Pinanood ko ang pagbabago ng number sa taas. Bakit ang tagal naman? At bakit parang ang awkward?

“Ano ‘to? Hindi na matutuloy ang gagawin natin?” Kunot-noong tanong ni Fran. He was talking about our ‘inuman’ session later. Kaya ko namang uminom kahit may sugat ang noo ko. No biggies. Balak pa yatang mag-pout kaya nag-iwas ako ng tingin. Kadiri kaya!

Napatingin ako sa likod ni Ethan. Compare kanina, parang tumigas ang pagkakatayo niya. Or… it’s just me?

“Of course not, Fran.” Pinilig ni Ethan ang ulo niya from left to right. Uhhh, can you stop watching his moves, Dana? “We can still do it. Besides yun naman talaga ang reason kung bakit ako nandito diba?”

“Yes! Thanks, baby Dana.” I rolled my eyes. Like, eww. Baby?! Parang gusto kong pumalakpak nang makarating kami sa 15th floor. Sa wakas! Bye-bye awkwardness. Mabilis akong inakbayan ni Fran at hinila palabas ng elevator.  Ethan cleared his throat. I just ignored him.

Nagtitili si Fran nang sumarado ulit ang elevator. Halos mahilo ako ng alugin niya ang balikat ko.

“Have you seen those biceps? Ang yummy ng arms niya!” Oh, dear!

Stop it, Francisco!” He didn’t pay attention.

“Ang pogi pa niya!”

“Pogi ka naman ah!” Balak niya sana akong batukan kaya lang pinigilan niya ang sarili niya.

“Maganda ako! Mas maganda ako kesa sa’yo, Dana Antonia!” Binuksan niya ang pinto ng room niya bago pumasok. Humarap ulit siya sa’kin. “And stop calling me Francisco, it’s Frances! Isusumbong kita sa biceps ni Fafa Ethan!” Padabog niyang sinara ang pinto.

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon