Chapter 2: Ouch.

914 34 5
                                    

Chapter 2

“Oh, God. Sir, I’m so sorry. Hindi ko sinasadya.” Lumapit ako sa kanila para tignan ang damage ng sasakyan. Huminga ako nang malalim dahil alam na alam kong malaki-laki ang babayaran ko. What have you done, Dana Antonia?!

“Fuck it.”

Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses na ‘yon. Lalaking lalaki ang boses. Damn. Napakamot nalang sa ulo ang matanda na bumaba sa driver seat. Ang isa naman ay hindi pa ko nakikita dahil busy sa pakikipag-usap sa phone. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya.

Matangkad, medyo maputi pero bumagay lang ang kulay, mapula ang lips at maganda ang mata. Ang perfect ng mukha niya kaya feeling ko ay kasalanan iyon. Napakamot ng ulo ang akala kong owner ng Audi A7 na nabangga ko. Natatakot na sumusulyap siya sa lalaking may kausap sa phone. Mukhang amo niya iyon.

“Eh Ma’am…” Hindi niya natuloy ang sasabihin nang biglang magsalita ang boss niya.

“I’ll call you later. Fix that or you’re fired!” Nagulat ako nang bumaling siya sa sasakyan niyang may malaking gasgas. Napapikit ako nang maramdamang unti-unti siyang tumitingin sa’kin. “Fucking stupid! Hindi mo ba nakitang—”

Hindi ko alam kung anong nangyari dahil sa biglaan niyang pagtigil. Dahil doon ay minulat ko ang mata ko. Diretso siyang nakatingin sa’kin. Nawala ang pagkakakunot ng noo. Lalo kong napagmasdan ang perfect niyang mukha.

“I’m so sorry.” Yun lang ang sinabi ko. Wala akong natanggap na kahit ano sa kanya. Napatingin ako sa driver niyang mukhang nagulat din sa inasal ng amo niya. “Hindi ko sinasadya. Inaamin ko namang kasalanan ko eh. Babayaran ko nalang yung pinsala ko.”

Napangiwi ako sa huli kong sinabi. Mag-withdraw muna ako? Kaya lang baka isipin nilang tatakbuhan ko sila kapag nagpaalam ako. What am I gonna do?

“H-Hey…” Hindi mahiwalay ang tingin niya sa’kin. Nagsnap ako sa harap niya pero no use. Don’t tell me, tumigil siyang huminga? Patay na siya? Geez! Lalo bang lalaki ang babayaran ko?!

“S-Sir…” Maging yung driver niya ay napakunot ang noo. Tumingin ako sa kanya at tumingin nang nagtatanong. What the heck happened to your boss?

Nakahinga ako ng maluwag nang kumurap naman siya. Pero hindi niya parin ako kinakausap kaya naisipan kong umalis nalang. Mukhang okay lang naman na nabangga ko ang sasakyan niya. Ni hindi niya ko hinabol. Tumango lang sa’kin yung driver dahil mukhang hindi niya rin alam kung anong gagawin niya.

Nakarating ako sa bahay. Nagulat ako nang makita si Mama na naghihintay sa’kin sa living room. Ganon ba ko katagal nakipagtitigan sa lalaking ‘yon?

“Saan ka nanggaling? Bakit ngayon ka lang nakarating, Dana Antonia?”

“I…” I stopped. Hindi ko alam kung pa’no ko sasabihin kay Mama ang kabaliwang ginawa ko.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Lumapit siya sa’kin bago niyakap ako ng mahigpit. Alam ko kung bakit nagkaganito si Mama. Niyakap ko siya pabalik at tahimik na umiyak.

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon