Chapter 5: For President.

749 29 3
                                    

Chapter 5

Tumayo ako ng maayos pagkatapos ng limang minuto. Hindi ko pala kayang humarap ng matagal sa lalaking ‘to. Mukhang nagtaka siya sa ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Move your car.”

“Where are you going?” Ngumisi siya. Parang gusto kong kunin yung heels ko at ihampas sa noo niya. He really has ‘the looks’. And I hate it.

“Anywhere away from you.” Tumayo siya ng maayos at akmang lalapitan ako ng inamba ko ng kamay ko. Susuntukin ko talaga siya kapag lumapit siya.

Nakuha naman niya ang gusto ko iparating. Tumigil lang siya pero hindi lumayo sa’kin.

“Pa’no kung ayoko?”

“Sasagasaan kita. And I am not kidding.” I said in a serious tone. Though I’m really kidding. I don’t want to risk my life para lang makaalis dito at sigurado akong lagot ako kay bakla!

Ngumiti lang siya bago nagcross arm sa harap ko. Inirapan ko siya bago dumiretso sa loob ng kotse ko.  I started the engine and moved to the right. Dahil medyo harang ang sasakyan niya ay hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. Oh noes! Mabilis akong nag-brake. Napasubsob ako sa steering wheel. Dahan-dahan akong umayos ng upo at tumingin sa sasakyan na nasa harap. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ako tuluyang sumalpok sa sasakyan na ‘yon. I should get myself a driver.

Bago pa man ako makalabas at makalapit sa owner ng sasakyang muntikan ko nang madisgrasya ay nauhanan na ko ni Ethan. Nakita ko sa mukha nung bumabang driver ang takot nang makita ang papalapit sa kanyang si Ethan. Napatungo ito. Ano na namang ginagawa ni Ethan?!

Mabilis akong lumabas ng sasakyan. Narinig ko ang pagsigaw ni Ethan.

“You almost killed her! Are you out of your mind, Mr. Mercado?” Dahil nakatalikod sa’kin si Ethan, hindi ko makita kung anong itsura niya.

“I’m sorry, Sir. H-hindi ko po napansin na papalabas yung sasakyan—”

“Shut up, Mr. Mercado. You are fi—”

“Ethan!” Tawag ko sa kanya. Bakit ba siya nakikialam eh ako yung muntikan nang makasagasa! Hindi siya humarap sa’kin pero atleast tumigil siya sa pagsasalita. Mukhang takot na takot na yung lalaki.

Nanlaki ang mga mata nung driver ng sasakyan nang makita ako. Lumapit ako sa kanila. Medyo nahihilo ako pero binalewala ko ‘yon. Baka sa sobrang takot lang ito.

Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa kanya. Nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis ko galing sa noo. Oo, kinakabahan ako. Ilang beses na ‘tong nangyayari sa’kin. Geez!

“I’m so sorry.” I told him with all sincerity. “Hindi ko napansin ang sasakyan mo…” Pinunasan ko yung tumulong pawis sa may noo ko pababa sa pisngi ko.

“It was not your fault, Ms. Dana…” Nanlaki ang mata ni Ethan nang mapatingin siya sa’kin. Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang braso ko.

“A-Are you fine? M-Masakit ba ang ulo mo?” Hahampasin ko sana ang kamay niyang nakahawak sa’kin nang mapansin ang pulang nasa kamay ko. Oh my gosh! I’m bleeding!

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon