Part 2: Ang Pagbabalik

34 1 0
                                    

   Isang taon na ang nakalipas, nabago ang buhay ni Pim na naging inspirasyon si Liam. Nakapagtapos siya ng Fourth year. Nakapag enroll na rin siya ng Kolehiyo. Sa buhay ni Liam, naging makabuluhan ang pamamalagi nito sa ibang bansa. Natutunan niyang makisama at makibagay sa mga tao doon at nagkaroon ng mga kaibigan. Naging sariwa kay Pim ang mga panahong magkasama sila ni Liam. Hindi ri niya maiwasang di maalala si Liam. Paano kaya si Pim? Naaalala kaya siya o minsan lang bang naiisip ni Liam si Pim? Ating alamin....

     Abala si Pim para pasok sa eskwelahan. Dito maaaring makakilala siya ng bagong mga kaibigan at makahanap ng bagong Liam. Sa mga sandaling iyon, napagpa-planuhan ni Liam na umuwi ng Pilipinas. Nagbabakasakali siya na maging maayos ang kalagayan ni Pim. Isang taong mahigit silang hindi nagkita. Maaaring meron nang sariling inspirasyon ang bawat isa.

     Walang kaalam-alam si Liam na mahal pa siya ni Pim. Ang alam kasi ni Pim ay babalikan siya nito. Naging masaya si Pim sa eskwela na kasama ang bagong mga kaibigan. May mga ilan siyang napupusuan pero umaasa siya na magkakasama pa sila ni Liam. Ngunit di niya inakalang makakatagpo siya ng lalaking mas may kakayahang nagpaligaya sa kaniya kesa kay Liam. Tanggap siya nito sa kaniyang pagkatao at nagpapakita din ito ng pagkalinga na di nabigay ni Liam noong mga panahong kasama niya ito.

     Di nagtagal ay nahulog ang loob ni Pim para dito. Siya si Rico. Si Rico ay isa ring laku sa marangyang pamumuhay kagaya ni Liam. Sa pagiging mabait nito, napansin ni Pim ang pagkakaiba ng ugali ni Rico kumpara sa ugali ni Liam.

     Lunes naglalakad si Pim papasok ng eskwelahan, nakita siya ni Rico. Kinuha nito ang dala ni Pim at sabay silang pumasok ng paaralan. Naging usap-usapan peri di inalintana ni Rico. Naging bukas sa publiko ang kanilang pagsasama. Ngunit sa kaso ni Pim na may hinahantay, 'di niya maiwasang di lumayo si Pim kay Rico.

     Naging abala ang buhay ng bawat isa. Ang hindi alam ni Pim, gusto pala siyang makita ni Liam. Mga ilang araw lang, hinanap siya nito. Naglalakad sila ni Rico, bonding para sa kanilang dalawa, hindi maiwasan ni Rico'ng magtanong kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Pim para sa kaniya. Halata niya kasi na hindi naging maligaya o nakitang ngumiti si Pim ng kasama niya ito...

Rico: ....Pim, mahal mo ba ako?

Pim: ....ano bang sinasabi mo?

Rico: ....(hinawakan ang kamay ni pim)....mahal mo ba ako?

Pim: ....Rico ano ba!!! (Umiwas ito)

Rico: (pinipilit yakapin si Pim) ....Pim alam mong mahal kita.

Pim: ....Rico bitawan mo nga ako!

     Pinilit ni Rico si Pim at nahalikan niya ito sa leeg, pumipiglas si Pim pero sadyang malakas si Rico. Mabuti't sa pagkakataong nakita ito ni Liam. Nagmadali siya at sinuntok si Rico. Nagulat si Pim sa kaniyang nakita. Hinawakan ni Liam ang kamay ni Pim at tumakbo. Hinabol naman silang dalawa ni Rico. Ang hindi nila alam, may dala pala itong pocket knife. Agad niya itong kinuha at isasaksak sana kay Liam nang nakita ito ni Pim kaya't isinagang niya ang kaniyang katawan para di masaksak si Liam.

  .....PIM!!!! sigaw ni Liam...

     Isinugod ni Liam si Pim sa Ospital. Hawak hawak ni Liam ang kamay ni Pim habang nagsasalitang umiiyak...

Liam: ....Pim! wag kang bibtaw Pim!

Pim: ....bumalik ka Liam?

    Ipinasok si Pim sa emergency room. Hinarang si Liam ng mga nurse at nakiusap na maghatay nalang sa labas. Base sa pag-susuri ng mga doktor, lubos na naapektuhan ang kaliwang bahaging kidney ni Pim. Para gumaling siya ay kailangang operahan sa lalong madaling panaho.

Two Boys in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon