Part 1: Day Begins

105 4 1
                                    

"Ang Mundo ay nilalang ng Diyos upang maging tirahan ng mga nabubuhay na naaayon sa kaniyang lalang bilang tagapangalaga nito.

Nilalang niya ang bawat isa ng may sariling ganagampanan at tungkulin bilang isang nilalang. Lahat ng nilalang lalo na ang mga nabubuhay: hayop, tinanim at ang mga tao ay nilaanan ng kanikanilang karapatan.

Ang mga Tao bilang pangunahing nilalang sa mundo ay may natatanging kakayahang gawin at pamunuan ang sanlibutan sa pagawa ng mga karapatang pandaigdig. Dito naaayon ang karapatan ng mga nilalang: hayop, kalikasan at syempre ang mga tao.

Ang mga tao ay may karapatang umibig. Nilalang ng Diyos ang BABAE at LALAKI. Ang BABAE nilalang para sa mga LALAKI. At ang mga LALAKI ay para naman sa mga BABAE. Ngunit may mga ilan na mas pinipiling mag-isa o di nama'y maglingkod sa Diyos ang mga Pare at Madre.

Paano kaya kung ang magkasekso ay nag-iibigan sa isa't-isa? Maaaring pareho silang tao na may karapatang umibig din ng isang tao pero pareho ang kanilang kasarian, isa pa ba itong KARAPATAN o KASALANAN?"

-Emil Lovatti

Halina't tunghayan at saksihan ang magiging buhay ni Pim at Liam. Magkaseko pero magkaiba ng estado sa buhay.

Unang araw bilang isang bikolano.

Unang araw ni Pim sa syudad ng Naga simula nung lumipat sila ng kaniyang inang si Sonya mula Bulacan. Ang syudad ng Naga ay isa sa mga nangungunan syudad sa bansa. Nahirang din ito bilang Best City in Asia. Lumipat sila rito ng kaniyang Ina matapos mailibing ang kaniyang Ama.

Si Pim ay isang mabait na bata. Mahinhin na tila ba Babae kung gumalaw. Tanggap ito ng kaniyang ina pero kinondisyunan siya nito na huwag magsuot ng damit pambabae. Naging mahirap kay Pim ang pakitunguhan ang mga batang pwede niyang makasalamuha sa lugar at kanilang mga kapit-bahay.

Napagpasyahan ng kaniyang Ina na dito narin mag-aral. Nakapag-enroll siya sa paaralan ng Camarines Sur National High School. Isa sa pangunahing paaralan sa probinsya ng Camarines Sur at kabilang sa mga nangungunang paaralang pangsekondarya sa rehiyon ng Bicolandia. Sa tulong ng mga kamag-anak at ng kaniyang Ina, naging madali ang pag transfer ni Pim sa paaralang ito.

Unang araw bilang estudyante.

Unang araw ng pasukan, naging makabuluhan para kay Pim dahil marami siyang naging kaibigan at buong buo siyang tinanggap nito sa kaniyang pagkatao. Mainit, siksikan at maingay ang bawat silid. Ngunit sa dami ng mga estudyanteng nakasalamuha niya, may isang binatang pumukaw ng atensyon niya at siya si Liam.

Si Liam ay laki mula sa marangyang pamumuhay. Kasama niya ang kaniyang mommy na si Melissa. Hindi siya ulila sa kanyang Ama kahit ito'y nagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit parang nangungulila rin siya dahil minsan lang sa isang taon kung umuwi ito.

Si Liam ay kilala sa larangan ng Cartooning. Kilala rin siya sa larong Basketball. D'one sia kung ituring ng bawat babae sa eskwelahan. Ngunit hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend simula first year.

Isang linggo nang estudyante si Pim, isang linggo naring nagpapantasya ang Liam sa kanyang kaisipan ngunit nag-aalangan siyang magpatuloy kasi baka masaktan lang siya sa huli. Magkakaroon ng Acquaintance and Ball sa paaralan para na rin sa Welcome and farewell party sa mga freshmans at siniors student. Magiging abala ang bawat isa sa kanilang mga susuotin. Hindi sineryoso ni Pim ang preparasyon dahil alam niyang hindi siya magiging masaya at magiging boring lang kung pupunta siya na hindi makakasama si Liam.

Unang araw na nakasama si Liam.

Hindi natiis ni Pim kaya't pumunta ito pero sumilip lang na masilayan lang kung ano ang pustura ni Liam, kung siya ba'y gwapo o napaka. Naging maiinit ang selebrasyon sa mga pustura ng bawat estudyanteng pumapasok sa entrance ng eskwelahan. Nagpalipas ngalay si Pim sa kalapit na canteen umupo ito nang nakita niya si Liam ng nakabihis pambahay at kumakain ng nilagang mais. (.,?!) Parang nahulugan ng paso si Pim sa kanyang reaksyon.

Two Boys in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon