Kabanata 2 : Bleeding Love

3K 65 11
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Manila

“Ayos na bahay ito? Hindi ko muna ipapa-renovate para kunwari nasa horror movie ako.” natatawang sabi ni Matias.

“’tol ang dami naman agiw. Ilang taon na ba ang bahay na ito? At napagtiyagaan pa itong tirhan ng dating may-ari.” nandidiring sabi ni Malic sa kapatid.

Nasa Manila sila para bilhin ang bahay na ipinagbenta kay Matias ng nakilala nito sa bar. Gawain na ni Matias ang bumili ng lupa at gawing investment. Pinatatayuan ito ng binata ng condo unit, aapartments, dorms o business site.

Pagigiba ko rin naman ito, pero sa ngayon gagawin ko munang tambayan hangggang hindi ko pa alam kung ano ang final decision ko.” nakangiting sabi ni Matias.

Isang lumang bahay iyon sa Manila two-storey old house na isang bagyo na lang yata ay bibigay na ng tuluyan.

“Tambayan? Langya ‘tol baka mag kasakit ka dito, marami yata insekto dito. Name it, daga, ipis, lamok, langaw... hayop baka ikaw ang maging hari nila.” nakangising sabi ni Malic sa kapatid.

Hindi sana sasama si Malic sa kapatid, pero nagpumilit ito para makita nila ang location ng pagtatayuan nito ng bahay na hindi niya alam kung ano ang naisipan ng kapatid na magpatayo ng bahay.

Ang lumang bahay ay nakatayo sa liblib na siyudad sa Manila, hindi mo aakalain na may ganito bang lugar sa masikip at magulong lugar ng Metro Manila.

Malayo ang bahay sa mga kabahayan, bukod pa dito hindi ito daanan ng mga sasakyan. Itinuturing ngang ghost house ang bahay sa barangay na iyon na dating pag-aari ng isang hapones pero ng mamatay ito binili ito ng isang Fil-Am na siyang pinagbilhan nila ng bahay.

Dalawang palapag ang bahay, bukod sa mga agiw. Wala ka naman maipipintas sa bahay, may tatlong kuwarto ito sa taas, may banyo rin sa ikalawang palapag. Gawa sa narra ang buong bahay, pati ang sahig nito ay kahoy din na kaunting tapak mo ay lumalangitngit na para kang nasa japanese horror movie.

Kompleto rin ang baba, may sala, dining, kusina may banyo at may likod bahay ito na hindi mo aakalain na parang isang maliit na garden dahil sa mga bulaklak na nakatanim roon na tila may nagbabantay.

Napapalibutan ang bahay ng gate na halatang iyon lamang ang mukhang bago dahil gawa na iyon sa bakal. May balcony rin sa taas at baba ng bahay. May mga gamit na rin na sadyang iniwan ng dating may-ari na halos lahat ay gawa rin sa kahoy na narra na hindi biro ang halaga kung susuriin.

“Okay naman ang bahay, maagiw nga lang.” nakangiting sabi ni Matias.

“Saan mo ba nakilala ang lalaking iyon na napagbilhan mo nito?” sabi ni Malic at naupo ito sa upuan na yari sa kahoy at napangiwi pa ito sa alikabok na dumikit sa katawan nito.

Baby Maker : Matias and Emerald : (COMPLETED) SH#1Where stories live. Discover now