Prologue : You Broke Me First

3.9K 81 11
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

2years after
Emerald's 18th birthday

"Hayop na lalaki ito, habang ako nagpapakahirap dalhin ang pangalan niya. Siya naman madali lang mambabae." sabi ni Emerald sa sarili, ng makita si Matias sa isang bar sa Manila.

Pauwi na siya galing University na pinapasukan niya ng mamataan si Matias sa bar na nadadaanan niya pag-uwi.

Nasa sasakyan siya at dahil traffic kahit dis-oras ng gabi, kaya nakikita niya ang mga labas-masok na tao sa naturang bar.

"Langya itong lalaking ito. Sandali ka lang." inis na sabi ni Emerald ng makitang kahalikan ni Matias ang babae kahit na nga ba maraming tao sa lugar.

Ilang sandali pa ng makita niya ang asawa at ang babae na lumiko kaya kinambiyo niya ang sasakyan.

Alam niya ang bahaging iyon ng kalsada sa gilid ng bar, maliit na street lamang iyon na walang dumadaan na sasakyan dahil dead end iyon at may bakanteng lote kung saan may pader na nakatayo na tila naudlot sa pagpapatayo ng building.

"Dead end ka ngayon." nakangising sabi ni Emerald at ng makambiyo ang sasakyan nakita niya ang dalawa sa madilim na bahagi ng kalsada.

Mula sa sasakyan ni Emerald kitang kita niya ang ginagawa ng dalawa na halos maglaplapan ang mga ito.

"Ayos ha, parang walang bukas maghalikan." inis na sabi ni Emerald.

"Ako nga hindi ako makapagnobyo dahil sa pesteng apelyedo mo at status ko na married." naiiritang sabi ni Emerald.

Inilapit nito ang sasakyan niya at mukhang hindi naman siya napapansin ng dalawa dahil mukhang liyong-liyo ang babae sa likot ng kamay ni Matias na nasa hita na ng babae.

"Sandali," sabi ni Emerald at ng hinahalikan na ni Matias ang dibdib ng babae.

Inilawan ni Emerald ang mga ito sa pamamagitan ng headlight ng kotse niya, pero imbes na tumigil, tiningnan lang siya ni Matias at nginisian.

Alam niyang malabo mamukhaan ni Matias ang kotse niya dahil bukod sa madilim pasalubong ang ilaw sa mga ito.

"Gusto mo manood. Watch me." maangas na sigaw na sabi ni Matias at wala pasubaling naghubad ito ng kalahati ng pantalon at napalunok si Emerald na tumambad sa kanya ang puwetan ni Matias at nagawa pa nito hubaran ang babae at nag-sex ang dalawa sa harapan niya mismo na tila nanonood siya ng porn movie sa ginagawa ng asawa niya at ng babae nito.

"Sige, tatapusin ko ang panonood. Para maramdaman ko, kung gaano kawalang kuwenta ang kasal ko." sabi ni Emerald at hindi niya namamalayan na tumutulo na ang luha niya habang pinapanood si Matias sa pagpapaligaya nito sa babae na halos isalya nito sa pader ng bakanteng lote.

"Nag-asawa ako ng aso, na kung saan-saan lang nakikipag-sex na asong kalye." umiiyak na sabi ni Emerald na tila punyal ang bawat ungol at daing ng dalawa sa puso niya.

"Huwag kang masasaktan dahil walang pagmamahal na namamagitan sa kasal niyo." sabi ni Emerald sa sarili.

"F*ck y**." sigaw ni Matias at nakita ni Emerald ang pagdiin nito sa babae, na napasigaw sa sarap sa ginawa ni Matias.

Nang matapos ang dalawa mag sex, pinatay ni Emerald ang ilaw at kinambiyo nito ang sasakyan para umalis sa lugar.

"Bakit ang sakit?" umiiyak na sabi ni Emerald habang umaandar na ang sasakyan niya sa hi-way palayo sa lugar.

"Emerald!" gulat na naibulalas ni Matias ng makita ang plate number ng kotse na papaalis sa lugar.

"Ang tanga ko!" sabay na naibulalas nila Emerald at Matias. Sa magkahiwalay na senaryo, si Emerald habang nag mamaneho sa hi-way at si Matias habang nakatingin sa babaeng nakatalik nito na tila liyong-liyo pa sa ginawa niya.

Baby Maker : Matias and Emerald : (COMPLETED) SH#1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon