Kabanata 1 : Ayoko Na Sana

3.6K 82 12
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

4years after Emerald’s debutValiente’s Mansion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

4years after Emerald’s debut
Valiente’s Mansion


“Papa, please pumayag ka na.” nakikiusap na sabi ni Emerald. Matapos ang graduation ni Emerald sa kolehiyo, naghanap na siya ng mapapangasawa at iyon ang ibinigay ng kaibigang si Vicky.

“Nagpapatawa ka ba Emerald Valiente- Lopez?” nakangising sabi ni Ramon sa anak na sundan siya nito sa loob ng opisina niya sa mansion.

Papa, ilang taon na kami ni Matias. Maawa ka sa akin. Nanaisin mo bang habang buhay ako kasal... na walang asawa.” sabi ni Emerald sa ama.

Hindi naman problema iyon. Mag-sama kayo ni Matias tutal naman nasa hustong gulang na kayo, may trabaho naman si Matias at ikaw rin… nag training ka sa Franxie Restaurant. Oras na siguro para totohanin niyo na ang kasal.” seryosong sabi ni Ramon sa anak na si Emerald.

“Papa, ayoko… hindi ko kaya makisama kay Matias.” sabi ni Emerald mula ng nag-aral siya sa Manila wala na siyang balita sa asawa niya. Ang huling pagkikita nila ay noong baby shower sana ni Ellie sa mansion nila..... bukod sa senaryo sa bar na siya lang ang nakakita dito.

“Subukan mo lang naman.” sabi ni Ramon sa anak.

Papa, wala ngang spark.” sabi ni Emerald.

Hahaha, anong spark ang pinagsasabi mo? Wala talagang spark… kalokohan lang iyon ng mga kabataang tulad mo.” sabi ni Ramon pero sa naisip nito napangiwi ito dahil siya mismo naniniwala sa spark at meron sila ng asawang si Tiffany nun.

Papa, sampung taon na kaming kasal ni Matias….” putol na sabi ni Emerald na biglang sumingit si Ramon.

So Happy Wedding Anniversary.” natatawang sabi ni Ramon sa anak na si Emerald.

“Papa, hindi ako nagbibiro. Hindi ka ba naaawa sa akin? Ayaw niya sa akin… ayaw ko rin sa kanya.. Mukha daw akong lalaki… at ayaw niya mapangasawa ng mukhang lalaki.....di ba insulto iyon?” nagmamakaawang sabi ni Emerald.

“Hahaha, kamukha kita at maging proud ka dahil ang mama mo ay nahumaling sa kaguwapuhan ko, at siya mismo ang lumapit at umamo sa akin.” nakangiting sabi ni Ramon sa anak.

Ilang buwan na si Ramon kinukulit ng anak na si Emerald, para tulungan ito sa annulmemt nito kay Matias na asawa na nito simula pa ng dose anyos ang anak na si Emerald. (Read SH novel)

Papa, please naman.. hindi ako nagbibiro. Pakawalan niyo naman na ako. Para naman kayo si Ralph Cheung ang pagkakaiba niyo nga lang ako kinulong niyo sa pangalan ni Matias.” inis na sabi ni Emerald.

“Huwag mo akong ikokompara kay Ralph Cheung. Ako mabait akong tatay at kung nabuhay lang ang apo kong kambal tiyak na spoiled sa akin iyon.” sabi ni Ramon at napatigil ito ng maaalala ang apo sa panganay na anak na si Orion at sa nobya nitong si Ellie.

Baby Maker : Matias and Emerald : (COMPLETED) SH#1Where stories live. Discover now