KABANATA 7

897 51 0
                                    


Kabanata 7

____________________


Mga ilang sandali palang ay nagsilabasan na kami dahil sa alarma ng bawat speaker na nakakabit sa bawat pader na nasa silid namin.


"Tara Lei! Flag ceremony ngayon!"



Napakunot ako sa sinabi niya, doon sa dating paaralan ko ay araw-araw may flag pero kakaiba dito. Wednesday lang meron.

"Bilisan niyo na guys! May pasabog sila ngayon!"


"Lets go!!! Baka maunahan pa tayo ng iba!"sigaw ng mga kaklase namin na mabilis na lumabas.


Agad akong sumunod kay Elaine na papalabas narin, nakapamulsa lang ako tinatamad maglakad. Pagod ako kagabi at wala ako sa huwisyo para sa ceremonya na ito.


"Alam mo pagkatapos ng flag ceremony ay agad tayong pupunta sa Gym?"

Napasinghap nalang ako sa sarili ko. Bakit ngayon pa kung saan pagod ako? Pwede namang Lunes o bukas ang ceremonya na ito.


"Wala akong alam."tipid na ani ko sa kanya at napasimangot naman siya.

"Ang boring mo talaga Lei!"reklamo niya at hinawakan ang braso ko.

"Edi lumayo sakin kung ganon"seryusong usal ko rin.


"Yan ang huwag mong sasabihin! Kahit boring ka sasamahan kita kasi kaibigan tayo at wala naman akong sinabi na iiwan kita kahit boring ka! Duhhh bigan kita e."masayang aniya.

Napatitig lang ako sa mga sinabi niya kaya pinalakihan  niya ako ng titig.

"Ano!? Natouch ka sa sinabi ko?"natatawang aniya.


Napailing ako agad sa sinabi niya at agad naiwaksi ang braso niya.


"W-wala n-naman..may naalala lang" mahinang ani ko.


Hindi na kami nakapag-usap dahil nasa linya na kami at kami ang pinakahuli sa linya.

Hindi naman masikip sa ballfield para sa flag ceremony. Kasya lahat ang mga mayayaman at maarteng mag-aaral dito. Hindi sila maiinitan.


Tahimik lang kami dahil sa guro namin na nakabantay. Marami ring sinabi ang isang guro sa harapan tungkol sa school policy at kung anong sport at club na sasalihan ngayon pero hindi naman ako ganoon ka interesado sa sports kaya wala akong masasalihan.


"Dear my fellow students. Lets proceed to Gilconida Gym." Agad akong natinag saglit at bumalik sa reyalidad "Doon matutunghayan at makikita natin ang bawat talento na ibibigay ng ating mga piling studyante ng Unibersidad De Laurente Ignacio International School." mahinhin na usal ng isang babae.

Maganda siya at napakahinhin tignan sa harapan habang hawak ang isang mikropono.


Maingay ang ilan na pumasok sa Gilconida Gym habang ang mga guro ay panay paalala sa amin na manahimik habang papasok.


Malaki ang Gym. Napakalinis tignan animoy hindi mo makikita ang maliliit na alikabok sa kalinisan nito.


Tahimik lang akong umupo sa makintab na upuan sa harapan dahil hinatak na ako ni Elaine pero nasa gilid lang kami kung saan ay katabi ng speaker at malaking fan.

Mula sa harapan ay tanaw na tanaw ko ang pinakamalaking stage na sobrang kintab ng sahig na pwede naring masalaminan.


Napakasimple lang ng stage sa harap at napakalaki paniguradong kasya ang isa o dalawang daan ka-tao doon, sa bawat gilid ay may nakahalera na tatlong nagkalakihan na mga kurtina. Halatang gamit para isarado ang intablado.


Parang mababasag ang tenga ko sa ingay ng malaking speaker sa gilid ko habang si Elaine ay tuwang-tuwa lang parang may inaabangan na tao sa intablado mamaya hindi man lang alintana ang makabasag ulong ingay ng speaker.


Agad namang may pumasok na dalawang tao mula sa intablado. Nakasout lang ito ng pormal at hindi na uniform ang gamit.


Pareho itong nakangiti sa aming mga tagapakinig at nagsimulang magsalita habang naglalakad papunta sa kanilang pwesto sa harapan.


"GOOD MORNING!!, GOOD MORNING, GOOD MORNINGG-GOOOOOODDDD MORNING EVERYONE!!" Bungad nung isa sa aming lahat, halata ang boses bakla nito.


"TO OUR FELLOW LAURENTE STUDENTS AND TEACHERS OUT THERE!"sigaw ng isa. Napansin ko na siya rin ang nagsalita kanina sa Flag ceremony. "GOOD MORNING!!"sigaw niya na nagsitilian naman ang lahat at ang iilang lalake naman ay nagwhiwhistle pa sa kanya habang siya ay simpleng nakangiti lang.


Lihim akong napapikit sa ingay ng paligid ko.


Nakangiti lang ito sa amin na hindi man lang makikita sa mukha ang kinakabahan.

"This is Monica Manansala "



"And this is Louie Calde and you can call me Sissy Louie and not brother Louie! " pakilala nila samin bilang MC sa event na ito.


Marami pang sinasabi ang dalawa sa harapan nang magsalita sa akin si Elaine.


"Siya yung sa hagdanan Lei, yung kasama niya naman non ang bumungo sayo."bulong niya sakin at tumango lang ako.



"Alam ko."ani ko at nakatitig lang sa harapan, hindi naman ito nakatingin sakin pero ramdam ko ang sulyap niya sakin.


Sa pangalawang pagkakataon ay bumulong muli sakin si Elaine.


"Siya ang SSG President dito sa Senior high department, si Monica Manansala.. ang ganda niya diba?"


Nakatitig lang ako sa harapan lalo na sa babae bago ako tumango kay Elaine.


"And lets all welcome!!! The greatest! The yummyest!!!hottest!! Handsomeness dancer in Laurente!!!"sigaw ng bakla sa mic niya. "The most famous club here in our University!!!!"sigaw niya pa at inilapat ang mic sa aming mga tagapakinig at nagsigawan naman ang mga tao sa paligid ko.

"Wooohhhh!!!!"

"Ilabas niyo na sila!!!!"

"Wooohhh!!!!! Go Laurente!!!"

Lihim akong napaseryuso sa kanilang sigawan at nakatingin lang ng tahimik sa harapan.

Pinaka sikat na club dito sa Laurente?

"Hep! hep! hep!!-Are you guys ready for them!!?"sabay sigaw ng dalawang MC sa amin at inilapat ulit ang kanilang mic sa aming direksyon.

"Yes!!!!!!!"sigaw nila pati si Elaine ay nakisigaw narin.

"In ONE!!" bilang ni Louie ata yon sa amin at agad namang namatay ang ilaw lahat sa gym kaya ang ilan ay nagulat at nagsigawan.

"In TWO!!" Sa dilim ng paligid ay agad kaming nakatutok sa sa intablado na ngayon ay biglang umilaw sa gitna.

Wala narin ang dalawang MC sa harapan at nandoon lang ay ang nakasarado na kurtina na pula.

"You guys are ready!!??"sigaw pa nito na hindi namin malaman kung saan.


"Yes!!!"


"Whoooo!!!"



"AND LETS WELCOME!!!! THE EXTREME!!! IN ONE!! IN TWO!-IN THREE!!"sigaw pa nito, pari ang mga nasa likuran ko ay hindi mahinto-hinto ang kanilang sigaw.


Agad namang natahimik ang lahat ng magsimula na ang nakakatakot na intro ng kanilang gagawin.


Agad namang umilaw ang gitna intablado at unti-unting naghahati ang kurtina hanggang sa magsigawan ulit ang mga studyante nang may walo ka tao ang nakatalikod na nakatayo.


__________________

DONT FORGET TO

VOTE ⭐

COMMENT 📣

SHARE 🔄

AND OF COURSE

FOLLOW 👏👏👏👏❣
Christilita

💓

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now