KABANATA 14

799 50 3
                                    


Kabanata 14

___________________

LEI P.O.V.

"Alam mo ba may nag-apply sakin dito kanina?"

"Hoy!! Nakikinig kaba sakin!?"


Matapos akong magpunas sa bawat lamesa ay doon ko na hinarap si Bimb.


"O tapos?"tamad kong reaksyon sa kanya.



Tinarayan niya naman ako ng tingin bago siya umupo sa may harapan na upuan.


"Hindi ko tinangap."aniya at lumapit naman sa amin si Chib.


"BAKA DAW MAGALIT ANG AMO."may halong pang-aasar niya ay tumango-tango naman ako sa kanila.



"Taga saan nga ulit yon Bimb?"usal ni Chib


"Alam mo ba taga saan Lei?"tanong niya naman sakin at tinignan ko siya.



"Bakit ako ang tinatanong mo?  Kayo ang nandito"sagot ko sa kanya at natawa naman silang dalawa sa reaksyon ko.



"Ay taray! Lumalaban na sa amin! Pero pag sa Laurente ay nauuwing dumihan!"natatawang ani ni Chib.


"Speaking of whichiiieee bitchieee! TAGA LAURENTE yung nandito kahapon! Babae siya at nalimutan ko ang pangalan niya e."napakamot sa ulong usal ni Bimb.

"Taga Laurente? Bakit hindi naman nakapasok? Ang taas na ng standards doon pero tinangihan niyo."nasabi ko nalang


Nakapamiwang naman sa akin ang dalawa animoy may mali akong nasabi sa kanila.



"LAURENTE!? ni hindi nga marunong humawak ng pinggan!? Like duhhh tinignan namin ang skills niya pero halatang anak mayaman talaga!"asik ni Chib.



"Mga Laurente pa talaga? Parang ikaw lang ang dugyot sa paaralan na yon!"asik pa ni Chib


"Tsaka taga hugas lang ang ipapagawa ko sa kanya kasi hindi naman siya marunong magluto! Pero ayon di pa marunong magsabon!"reklamo naman ni Bimb.



Hindi na ako nagsalita sa mga hinaing nila at bumalik na sa trabaho ko dahil sa nagdagsaan na ang mga customer.




Sa dami nila ay si Martinez agad ang napansin ko at ang pinaka agaw atensyon na naman sa akin ay ang kanyang katabi niya na agad napaiwas tingin sa akin ng makita agad ako nito.



Madami sila dahil sa tatlong babae na kasama nila. Si Monica at ang dalawang alipores.


Nasa walo sila katao at agaw pansin rin sila dahil sa kanilang ingay.



Napatingin sa akin si Martinez akala niya siguro siya ang tinitigan ko kaya masama niya rin akong sinulyapan.


Napatingin rin sa akin si Monica at napaiwas tingin narin pero ang kanyang dalawang kasama na babae ay sakin ang titig.


Titig na parang may mali sa kanila.


Hindi ko namalayan agad ang paglapit ni Martinez sa harapan ko.


Gusto kong suntukin ang sarili ko at ipokpok sa mukha niya dahil kagaya niya ay naging tanga ako ngayon sa nakita ko.



"VIP!"sigaw niya kahit na sobrang lapit naman namin.



Tumango ako sa kanya at tamad na binigay ang presyo na dapat bayaran sa silid na pupuntahan nila.



Kay Chib naman nag-order sila ng mga kakailanganin nila.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now