Chapter Two

99 3 1
                                    

"Good afternoon sir!" bati ko sa isa sa mga clients namin for today. Muntikan ko ng makalimutan ang tungkol sa meeting ko with Mr. Balaguer, ang groom namin para sa isang wedding reception na gaganapin sa hotel.

"Good afternoon Shaira, how are the preparations?" he asked habang nagsimula na kaming maglakad papuntang wedding hall.

"It has been great. All things are going according to plan. I promised you both a perfect wedding reception and that is what our hotel will give on your special day" I smiled habang ine-explain ang mga mangyayari. Mabuti na lamang at mabait siya kasi na-late ako for about fifteen minutes kanina. I almost forgot about it pero buti na lang at tumawag ang assistant manager ko to remind me.

I work as a manager of the front office department kaya ako ang unang kumakausap sa mga clients. It is really ironic na ganito ang trabaho ko and yet may mga tao akong gustong paghiwalayin.

"So, sir, what do you think?" I asked after kong i-explain at ipakita ang lahat.

"You are really good on your job. If everything goes your way katulad ng sinabi mo, I'll definitely recommend you with my friends and clients"

"Thank you so much sir. Lahat po kami pagsusumikapang ma-achieve ang gusto nyo ng future wife nyo" at nginitian ko sya. Compliments from our clients are what give me strength to live on.

"By the way sir, we could also give you a discount if ever you have some businesses to attend to" pahabol ko pa at nginitian nya ako.

"Good to know. I'm actually planning of becoming a regular here. I love your service"

"Thank you sir. We would really appreciate that" at nakipag-kwentuhan pa ako sa kanya about his life. He is already 37 years old, older than me by ten years. His future bride was five years younger than him. Sabi nya nakilala nya lang daw ito when he went for a business trip in Paris, the city of love. He told me na akala daw nya eh tatanda na syang binata but napatunayan nyang love comes when you least expect it. Sobra akong naka-relate kasi I also fell in love nang inakala kong galit ang buong mundo sa akin.

"Mind if I join you?"

Napatingin naman agad ako kay Tristan na nasa likod ko na pala. Ang gwapo nya talaga. He smiled at me nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya. I smiled back, seductively. I really can't give him up. I'm putting up a goddamn fight for him.

"Mr. Santos, nice to see you here!" at nag-shake hands ang dalawa.

"Katatapos lang ipakita ni Miss Pantaleon ang preparations for the reception. I love it and I'm sure my bride will love it too. I was actually planning to set up an appointment with you. Your hotel is very excellent in customer service. I feel satisfied and I'm actually planning to invest" narinig kong usapan nila. I smiled to myself. Great, if magiging investor naming si Mr. Balaguer ay mas mapapadalas ang pakikipagkita ni Tristan dito. I'm always with Mr. Balaguer kapag nandito sya so it only means na lagi rin kaming magkikita ni Tristan.

"I'll go ahead Mr. Balaguer, sir" and I smiled to both of them. I beamed at Tristan and he is smiling at me.

Masaya akong naglalakad pabalik sa office ko pero mabilis ring napawi dahil sa nakita kong papasok sa lobby. No other than Allyssa, Tristan's fiancée. She warmly smiled at everyone at kinakamusta pa ang mga receptionist. Tinitigan ko syang mabuti para makita ko naman kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Tristan. If I know fake lang naman ang ipinapakita nya. I never saw her get mad. Lagi syang nakangiti na akala mo ay isa syang toothpaste commercial model. Well, she is pretty. Maputi, payat, mahaba ang buhok na medyo wavy at sabi nga nila mukhang anghel. It's hard not to like her kaya nga naging kaibigan ko rin sya. Keep your friends close and your enemies closer. Ito ang kinamulatan kong gawin habang lumalaki ako and it kept me alive until now.

"Hi Shai!" bati nya nang makita ako. Patakbo syang lumapit sa akin at nakipag-beso.

"Anong nangyari sa'yo kagabi? Nakakatampo ka alam mo ba yun!" at pinaningkitan pa ako ng mga mata.

"May pinuntahan ako kaya umalis ako agad" at iniwan ko na sya. Kung nitong nakalipas na tatlong taon ay kinaya kong makipag-plastikan sa kanya pwes ngayon hindi na.

"I looked for you last night kasi nag-alala ako sa'yo tapos hindi mo pa sinasagot ang mga tawag namin" sinabayan pa talaga nya ako sa paglalakad. Lihim na napairap naman ako. Tingnan ko lang kung hanapin mo pa ako kapag inagaw ko na ang boyfriend mo.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad. I don't care kung magalit man sya sa akin dahil doon.

"Huy, bakit bad trip ka yata ngayon? May nangyari ba?" hindi pa rin ako sumagot hanggang sa pumasok na ako sa office. Pagsasarahan ko sana sya ng pinto pero nakahabol sya papasok. Napabuga na lang ako ng hangin out of frustration. Napaka-dense talaga ng babaeng ito.

"Shai, may problema ka ba?" tanong nya ulit.

"Uy Shai, ano bang problema mo?" gustong-gusto ko sanang sagutin na ikaw, ikaw ang problema ko pero nanahimik na lang ako.

"Please Shai, tell me, ano ba talagang - "

"Shut up! Okay? Ang kulit mo eh" hindi ko na napigilang sabihin. Nanahimik naman na sya pero hindi pa rin umaalis. Iniangat ko naman ang tingin ko sa kanya and nakayuko lang sya. Now, what? She's making me feel guilty.

"Just leave. Ayoko munang makipag-usap sa kahit na sino" most especially sa'yo. There's no way that I'm going to feel apologetic to her. Hindi ko magagawa ang plano ko kung maaaawa ako sa kanya. Wala pa nga akong ginagawa mukhang iiyak na sya.

"O-okay. Gusto ko lang malaman mo na nandito lang ako for you" at lumabas na sya.

Napayuko na lang ako sa lamesa ko. She is so fragile. Walang duda na mananalo ako sa palakasan. Napaka-weak nya and because of that kaya mas mabilis kong maaagaw si Tristan.

"Shaira?" narinig kong sinabi ni Luke kasabay ng kanyang pagkatok. Ano na namang sasabihin nya.

"I'm busy. Umalis ka na" sabi ko pero binuksan nya ang pinto at pumasok pa rin sya. Inirapan ko nga dahil masyadong pabida.

"Nakita kong lumabas si Yssa from here. What did you do to her?" I smirked at him.

"Wow ha. Ang OA mo naman yata masyado. Wala pa akong ginagawa sa kanya" at dumikwatro pa ako. I don't know kung imagination ko lang yun but I saw him looking at my crossed-legs.

"I'm warning you. Stop this nonsense. Tristan loves her and you cannot change that" napairap naman ako.

"Change is constant in this world, Luke. Walang permanente sa mundo kundi pagbabago" at tumayo na ako. I stood in front of him. Mas lumapit pa ako sa kanya and smiled.

"Hindi ko kasalanang weak ang babaeng mahal mo, remember that" and I left him hanging there.

I don't need to explain myself to anyone. People will either don't care or they will make it into something it's not.

Confessions of a KontrabidaWhere stories live. Discover now